A/N: After this chapter, every Wednesday at Sunday na ang update
******************
"You're pre-what?"
Inaasahan ko na magugulat talaga si dad. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla kang pasukin ng anak mo sa sarili mong opisina para lang sabihin na buntis ito?
"Sign of aging, dad? I said I'm pregnant"
Bumaba ang tingin ni dad sa tiyan ko. Hinintay kong tumaas ang tingin nya sakin pero nanatili syang nakatulala sa tiyan ko habang nakaawang ang bibig. Bakas na bakas ang gulat.
"Dad?"
"O-oh. Yeah, I heard it. So what's your plan?"
Maghihintay ng siyam na buwan at manganganak?
"Plan?"
Ilang minuto munang kinalma ni dad ang sarili nya bagong ilang ulit na nagbuntong-hininga bago ako tinignan ng seryoso.
"About that baby. About you and Sean. Kailan ka ba makikipag-ayos sa kanya, anak?"
Umiwas ako ng tingin. Ilang ulit na nga ba 'kong kinausap ni dad tungkol dito? Isa lang naman ang sagot ko sa kanya, ayoko na. Ayoko ng bumalik kay Sean. Kapag ginawa ko 'yun, malalagay sa peligro ang buhay ko at ang buhay ng pamilya ko.
Naranasan ko na kung paano lumaki ng walang ina at ayokong danasin na anak ko 'yun. At mas lalong ayokong danasin nya na ilang ulit malagay sa peligro ang buhay nya dahil sa organisasyon na pamumunuan nya sa hinaharap.
"Anak, ikaw mismo naranasan mo na lumaking isa lang ang magulang mo. Kahit hindi mo sabihin, alam kong nahirapan pa. Ipagkakait mo ba sa anak mo ang magkaroon ng kompletong pamilya?"
Hindi mo naiintindihan, dad. Kapag ginawa ko ang gusto mo, hindi pa rin sya magkakaroon ng kumpletong pamilya.
"Kaya ko syang palakihin, dad. Kaya ko ng mag-isa" bumuntong hininga si dad, halatang nahihirapan na kumbinsihin ako.
"Anak, ano pa ba ang pumipigil sayo? Mahal nyo ang isa't-isa. Isipin mo ang bata, hija. Kahit anong gawin mo na punan ang kakulangan sa pagpapalaki sa batang 'yan, maghahanap at maghahanap pa rin ng ama 'yan"
"Pag-iisipan ko po" 'yun nalang ang sinabi ko at bumalik sa kwarto ko.
Hindi mabura sa isip ko ang mga sinabi ni daddy. May punto sya pero ang bata pa rin naman ang iniisip ko kaya ko ginagawa 'to. Mahal ko si Sean, mahal na mahal ko sya. Kaya kong isakripisyo ang sarili ko para sa maikling panahon na makakasama ko sya pero hindi ang pamilya at magiging anak ko.
Hinawakan ko ang tiyan ko at hinaplos. Ayon sa mga nabasa ko, kahit ilang linggo palang ang bata sa tiyan ay masasabi ng buo ito.
"Kakayanin natin 'to baby" bulong ko. Kung kaya ko lang halikan ang tiyan ko ay gagawin ko.
Umihip ang malakas na hangin. Nakalimutan kong sarhan ang sliding door ng terrace kaya pumasok ang malakas na hangin at tinangay ang buhok ko. Hindi ako tumayo para sarhan dahil nararamdaman ko ang presensya nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya nang hindi sya tinitignan. Mula sa dilim, naramdaman ko ang paglapit nya sakin.
"Buntis ka"
Kinabahan ako. Hindi para sakin kundi para sa bata na dinadala ko. Kung maaari, ayokong ilagay sa kahit anong peligro ang anak ko.
"Anong kailangan mo?"
"Alam nya?"
"Kailangan ko bang sabihin?"
"Maybe? He's the father after all"
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...