"Wife, wake up! Wife!"No please. Sean gumising ka na please. 'Wag mo 'kong iiwan, hindi ko kakayanin.
"Wife! What the! Wife, please wake up"
Napabalikwas ako habang habol habol ko ang hininga ko. Pakiramdam ko ang sikip sikip ng dibdib ko na parang may nakabara dito. Pawisan ang buong muka ko kahit ang lakas naman ng aircon.
"Wife?" Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Sean.
Yumakap agad ako sa kanya ng mahigpit habang patuloy ang paghagulgol ko.
Bangungot...isang napakasamang bangungot...
"Wife, what's wrong?" Bakas sa boses nito ang matinding pag-aalala pero hindi ko nagawang umimik.
Hindi mabura sa isip ko ang napanaginipan ko. Hindi ko man maalala lahat pero parang malinaw naman sa utak ko kung anong kinahinatnan nito.
Hindi ko kayang ikwento ang bawat detalye pero masasabi ko ang buod. Parang sinasaksak ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang napanaginipan ko.
Parang totoo...
Parang totoo ang mga nangyare sa panaginip ko pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang mapaginipan ang mga bagay na 'yun. Babala ba 'yun? O dahil hindi lang mapalagay ang loob ko bago ako matulog kanina?
"Wife, please tell me what's wrong" mamasa masa ang nga mata ko nang tignan ko si Sean.
Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nya. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya ang mga napanaginipan ko o kung dapat ko pa bang sabihin. Ayokong mag-alala sya ng husto.
Panaginip lang 'yun!
Oo, tama panaginip lang 'yun at hindi 'yun magkakatotoo. Malaki ang tiwala ko sa mga tauhan ni Sean at alam kong hindi nila kami magagawang traydurin ng ganun.
"I...I just had a bad dream"
Ilang segundo nya 'kong tinignan. Ramdam ko na may gusto syang itanong pero minabuti nalang nya na hindi na itanong.
Inabutan nya ko ng tubig. Inalalayan nya pa 'ko sa pag-inom habang hinahagod ang likod ko. Hindi sya umalis sa tabi ko kahit huminahon na 'ko. Umakbay sya sakin at sumandal naman ako sa dibdib nya.
Unti-unting napanatag ang kalooban ko at paunti-unti ding nawala ang pangamba ko. Umayos ang paghinga ko at unti-unting nabubura sa isip ko ang mga napanaginipan ko.
Mas gusto ko ang ganito. Hindi sya gaanong nagsasalita para pakalmahin ako pero hindi sya nagkulang para maiparamdam sakin na nandyan lang sya para sakin.
"What time is it?"
"11:45, wife" nagulat ako pero hindi nakisama ang katawan ko para maipakita 'yun.
"My men are on their way, wife. Kakain muna tayo bago pumunta sa isla but if you want to cancel it, it would be fine"
Mytery Island
Siguro may kinalaman ang mga naisip ko bago ako makatulog kaya ako nanaginip ng hindi maganda. Medyo kinabahan kasi ako sa isla'ng ito kaya siguro naapektuhan pati ang panaginip ko.
Ayokong tumuloy...
Pero may part sakin na gustong ituloy ang naunang plano. Nakita ko ang efforts ni Sean kaya mahirap tanggihan ito. Alam kong maiintindihan nya pero ayokong sayangin ang kahit ano sa mga pinaghandaan nya para sa araw na 'to.
May part ulit sakin ang nangangamba pero umaasa ako na walang mangyayareng hindi maganda. Umaasa ako na hanggang sa panaginip lang mangyayare ang mga 'yon.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...