Tatlong linggo? Apat? Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung ilang linggo na ang nakakaraan simula nang sabihin ni lolo na pumanaw na si lola Cecelia. Ang masakit, ilang araw pagkatapos nyang pumanaw, inatake sa puso si lola Asuncion dahil sa mapait na balitang ito at hindi nya kinaya.
Dinala naman si lola Rowena sa Spain para makapagpahinga at kahit papaano ay makalimot. Malapit silang tatlo kaya hindi na namin hihintayin na mangyare sa kanya ang nangyare kay lola Asuncion.
Sunod-sunod ang daging dagok sa pamilya namin. Bukod dun, ilang araw pagkatapos ilabas si Violet sa hospital, inapoy ito ng lagnat. Ayon sa doctor, dahil ito sa sugat at trauma nya sa nangyare pero sa ngayon, nagiging okay na ang pamangkin ko.
Nakakamanhid ang mga nangyare. Alam kong galit na galit ako pero hindi ko tuluyang maramdaman ang matinding galit dahil sa pamamanhid. Alam ko sa isip ko na may poot pero parang wala akong maramdaman na kahit anong emosyon. Parang nabura sa alaala ko ang mga memoryang nagpasaya, nagpalungkot at naging sanhi ng galit ko.
Nakakatakot... nakakatakot na parang nawawalan na ko ng pakialam sa paligid ko... nakakatakot na nagiging ganito ako...manhid at malamig
"G-Good morning, ma'am" hindi ko alam kung anong meron sa muka ko at nagsimula nanamang matakot ang mga bagong katulong namin.
"Ilang beses ko bang sasabihin na walang cream ang kape ko?!"
"S-sorry po"
"Get out and don't you dare show your face again!"
"But ma'am--"
"I said get out!"
"Sorry po" umiiyak itong umalis ng kusina.
Panibagong katulong nanaman ang napaiyak ko
"Hija, ang init nanaman ng ulo mo" hindi ko pinansin ang sinabi ni nanay Celia. Ayokong pati sya, mapag-initan ko.
"Papasok ka nanaman ba sa kompanya ng daddy mo? Hindi mo na ba talaga itutuloy ang pagpipinta mo?"
Mula nang pumanaw ang mga lola ko, itinigil ko ang pagpinta. Kasabay ng pagiging blanko ng emosyon ko ang pagiging blanko din ng utak ko. Wala akong maisip na maipinta. Laging nauuwi sa dilim at nauuwi sa pagsasayang ng canvass. Mas lalo lang umiinit ang ulo ko kaya napagpasyahan kong tumulong nalang sa pagpapatakbo ng mga negosyo.
Pwede ko naman sigurong ituloy ang pagpinta sa Spain
"Pansamantala lang po. Siguro sa Spain ko na itutuloy"
"Tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis mo" tumalikod agad si nanay Celia pero dahil sa paggalaw ng mga balikat nya, nalaman kong umiiyak sya.
"Pwede ko po kayong isama ni tatay Boy, nay. Inaasikaso ko na po ang lahat ng dapat asikasuhin at siguro, next month ay makakaalis na tayo"
"Ganun ba? Sana anak, makatulong ang Spain para bumalik ka na sa dati" hindi ako sumagot.
Pinilit kong ubusin ang pagkain sa plato ko bago tumungo sa parking lot at umalis.
Sinalubong agad ako ni Gen, ang secretary ko. Kinuha nya ang ilan sa gamit ko at naunang naglakad habang sinasabi sakin ang schedule ko sa araw na 'to.
Si Gen 'yung practicumer na tinulungan ko sa kompanya ni Sean. Fresh graduate sya at kailangan ng experience. Eksakto naman na nangangailangan ako ng secretary habang nasa Pilipinas ako kay inalok ko agad sya ng trabaho.
"Wait, what? Meeting with what?"
"Meeting with Gates company, ma'am. Kay sir Sean Barry Gates po"
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...