TPG XLVI

25.9K 596 42
                                    

Hinayaan kong alalayan ako ni Sean sa pagbaba papunta sa basement pero hindi ko sya iniimikan. Hindi pa rin mabura sa isip ko ang nangyare sa kwarto kanina. Kung hindi kami ginambala nung anim kanina, siguradong may nangyare na hindi dapat.

Kahit mahal namin ang isa't-isa, hindi sapat na dahilan 'yun para lumagpas kami sa aming limitasyon. Hindi pa kami kasal at bukod dun, wala kaming relasyon ngayon para gawin 'yun. Wala akong mapapanghawakan kung sakaling magbunga ang gagawin namin.

Aaminin kong nagustuhan ng katawan ko ang nangyare. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang parehong pakiramdam na naramdaman ko kanina at may kung anong hinahanap ang katawan ko, na higit pa sa nangyare. At hindi ako sigurado kung makakapagpigil na 'ko sa susunod.

Bakit, may susunod pa ba? Tss

"Miss Georgeeeee!" Sinalubong ako ng yakap ni Chris. Sumama ang tingin ni Sean at balak sana syang punahin pero nilakihan ko sya ng mata na nakapagpatigil sa kanya.

"Hi" nakangiti kong bati sa kanya  at dun sa lima.

"Ganda nanaman natin ngayon ah?" Pabirong hinampas ko nalang si Tres sa braso.

Saka ko lang napansin si Black sa di kalayuan na nakasandal sa pader. Tahimik ako nitong pinagmamasdan at kahit may mask, ramdam ko ang pagngiti nya nang magtama ang tingin namin. Kusa akong lumapit sa kanya.

"Hi"

"Hi. Sorry sa nangyare" alam kong ang pagtatalo nila ni Sean ang tinutukoy nya. Tumango nalang ako at tinapik sya sa braso.

"Sino ang magtuturo sakin ngayon? Ikaw ba o si S-" natigilan ako nang mapansin ko ang masamang tingin ni Sean kay Black.

Naiiling kong muling binaling ang aking atensyon kay Black.

"Pareho kami pero ako ang mauuna. Ready ka na?" Tumango ako.

Hinila nya 'ko sa wrist at dinala sa harap ng isang medyo mahabang lamesa. May mga nakalagay dito na iba't-ibang patalim. May maliit, sobrang liliit, malalaki, sobrang lalaki at mga patalim na may mga tamang laki pero iba't-ibang itsura.

"Asintado ka diba? Ako ang tuturo sayo gumamit ng iba't-ibang armas" tumango tango ako. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa mga patalim na nakahain sa lamesa.

"Subukan mong ibato ang mga 'yan sa mga target na 'yun" napatingin ako sa limang target.

"Gumamit ka ng iba't-ibang laki at anyo. Yung mga hindi mo nakasanayan"

Muli kong pinagmasdan ang mga patalim. Wala sa mga ito ang mga patalim na nakasanayan ko. Tinuruan ako ni lolo at daddy noon kung paano umasinta gamit ang iba't-ibang patalim pero hindi ko nagamit ang mga ito. Sa pagluluto lang din ako gumagamit ng patalim.

"Marunong na 'kong umasinta. Bakit kailangan ko pang subukan ang mga 'yan?"

"Malalaman mo din. Simulan mo na"

Pumili ako ng limang magkakaibang patalim. Magkakaiba ang itsura at magkakaiba ang laki. Una kong ginamit ang pinakamaliit na napili ko hanggang sa pinakamalaki. Sunod-sunod at segundo lang ang pagitan sa bawat paghagis. Dun ko naintindihan ang tinutukoy ni Black.

Isang beses lang ako naka-bull's-eye. Ang iba ay malalayo na. Ngayon lang nangyare ito sakin. Sanay ako sa pagiging asintado kaya hindi ko alam kung ano ang mali ko.

"Ang paghagis o pag-asinta ay depende sa ihahagis. Depende sa laki at depende sa itsura" kumuha sya ng isang patalim at binigay sakin.

Hinawakan ko ito kung paano ako naghahawak ng patalim kapag nag-aasinta. Hindi ko naitago ang gulat ko ng idikit nya sa likod ko ang katawan nya. Hinawakan nya ang kaliwang balikat ko na parang aayusin ito kung sakaling magkamali at ang isa namang kamay nya ay nakaalalay sa kamay kong may hawak ng patalim.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon