A/N: Super thank you po sa lahat ng nagbabasa ng story na 'to kahit ang bagal ng update. Epilogue na po ang sunod at isasabay ko na ang special chapter.
Btw, this one is for you, April Grace Pradas
. Isa ka sa mga readers na hindi ko makakalimutan. Ilang linggo na 'kong wala sa sarili. Hanggang ngayon blocked pa rin ang utak ko kaya hindi ko alam kung magugustuhan mo ang story nyo ni Chris.Btw, sa lahat ng readers na ginamit ko ang pangalan, thank you!!!
**************************Argh! Ano bang ginawa ko kagabi? Bakit sobrang sakit naman ata ng ulo ko? Letcheng alak 'yan. Pinapatulog nga ako, pinapahirapan naman ako sa umaga.
Tumayo ako at uminom agad ng gamot. Ayoko na sana munang uminom ng gamot dahil tuwing umaga ko na 'tong ginagawa pero sobrang sakit talaga ng ulo ko dahil sa dami ng alak na ininom ko kagabi.
Tulad ng inaasahan, may tumawag pagkatapos kong maligo.
"He--"
("Hangover? Isang linggo lang akong nawala, bumalik ka na agad sa pagiging lasinggero")
"Aphrodite, hindi ako uminom--"
("Oh shut up, Chris. Kaibigan ko ang may-ari ng bar kung saan ka uminom kagabi.")
Bakit kasi ang galing manghuli ng babaeng 'to? Kahit anong tago 'ko, nahuhuli niya pa rin ako. Pwede naman kasing hindi ako sumunod sa gusto niya pero marami siyang nagagawa para pasunurin ako.
"Oo na. Uminom ako. Eh ano bang gagawin ko? Alam mo naman ang sitwasyon ko. Nakakausap lang naman kita kaya naiwasan kong uminom pero umalis ka 'di ba?"
("Ah so kasalanan ko pa ngayon? By the way, nasa Pilipinas na nga pala ako")
"Talaga?! Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi? Sinundo sana kita."
("Sige, balik ako sa airport tapos sunduin mo 'ko ha? By the way, gusto mo bang makipagkita? May iooffer din ako sayo eh.")
"Sige, magbibihis lang ako. Sa restaurant mo nalang ulit para libre."
("Mayaman ka nga, abusado ka naman. Sige na. Bye.")
"Bye," Nakangiti kong binaba ang cellphone ko. Bumalik na siya. At least ngayon, may makakausap na 'ko na alam kong maiintindihan ako at hindi ako nakikita bilang kontrabida sa kwento nina George at boss.
Siya si Hera Aphrodite Narvaez. Nakilala ko siya sa bar kung saan ako uminom ng ilang beses na pag-aari pala ng kaibigan niya. Siya ang nag-asikaso sa'kin noong hindi na 'ko makatayo dahil sa kalasingan at kinabukasan, nagpakilala siya.
Hindi ko alam kung bakit sobrang palagay ng loob ko sa kanya. Nagawa kong ikwento sa kanya ang buong buhay ko pati ang pinagdadaanan ko at sa tuwing gusto kong uminom, tinatawagan ko siya para kausapin hanggang sa makalimutan ko na gusto ko palang uminom.
Napakagaan niyang kausap dahil siguro nag-aaral sya ng Psychology pero kakaiba eh. Kapag kausap ko siya, pakiramdam ko kilalang-kilala niya 'ko. Kapag kinakausap nya 'ko, para akong isang character sa isang libro na siya ang nagsulat kaya alam niya kung paano dapat ako kausapin.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...