"George, hija, handa na ang sasakyan"
"Sige po" umalis din agad si nanay Celia.
Sandali pa 'kong natulala sa salamin at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon dito. Parang hindi ko na rin nakikilala ang sarili ko nitong mga nakaraang araw. Alam ko dahil nararamdaman ko ang malaki 'kong pagbabago dahil sa emosyong bumabalot sa buo kong pagkatao.
Pati ang pakikitungo ko sa mga taong nasa paligid ko ay naaapektuhan. Ayaw ko man pero parang may sariling isip ang katawan ko at kusang kumikilos. Sobra na 'kong nahihirapan sa sitwasyon.
Kinuha ko ang dalawang baril na tinago ko sa bag ko. Sinigurado ko na may mga bala ito bago ko binalik sa bag ko. Simula ng makidnap si dad, naging handa na 'ko sa mga posibleng mangyare kahit binabalak kong hindi lumaban. Kung 'yun nalang ang pagpipilian para makasama ko si daddy ay gagawin ko. Magpapakuha ako kung kinakailangan at lalaban ako hanggang kamatayan.
Sinalubong ko ang nag-aalalang tingin ni tatay Boy nang makababa ako. Galing sya sa probinsya nila kaya ngayon nalang sya nakapunta ulit sa bahay. Pagkatapos nyang mabalitaan ang mga nangyare, mas pinili nyang mamalagi dito. Mas gusto ko sana na wala sila ni nanay Celia dito dahil sa mga nangyayare. Gusto kong manatili silang ligtas pero wala din akong nagawa para baguhin ang desisyon nila.
"Mauna na po ako" paalam ko.
Pinapupunta ako sa Malacañang ngayon sa di ko malamang dahilan. Baka may mahalaga silang sasabihin kaya pumayag na rin ako.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang may mapansin akong kakaiba at nasisiguro kong ako lang ang nakakapansin non. Napangisi ako
Sinasabi na nga ba
Tinignan ko ang mga dinadaanan namin at sigurado akong tama ang hinala ko. Sinamaan ko ng tingin ang driver at nang makaramdam ito ay napatingin sya sakin at napalunok.
"Anong oras na, hindi pa dumadating ang mga kasamahan mo" nakangisi kong sabi.
Ilang beses itong napalunok at bakas sa mga mata nito ang takot. Naguguluhan ang dalawang body guards na kasama namin sa sasakyan. Nagpabalik balik ang tingin nila sa akin at sa driver na pumalit kay tatay Boy.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ng pamilya ko, nag-isip ako ng maigi. Tinignan ko lahat ng anggulo at pinagsuspetsyahan ko lahat ng tao. Ang mga katulong, ang mga pulis, driver, bodyguards at lahat ng tao sa paligid namin. Pinag-aralan ko ang mga kilos nila at pwede nilang motibo.
Kaya nasisiguro kong traydor ang driver na 'to
Naglabas ako ng isang baril at kinasa ito. Tinutok ko sa likod ng ulo nya kaya mas lalo syang napalunok.
"Subukan mong pindutin 'yan, hindi ako magdadalawang isip na barilin ka" napilitan syang bitawan ang cellphone nya.
Unti-unting nakuha ng mga kasama namin ang nagyayare kaya nilabas din nila ang mga baril nila at naghanda. Tinawagan din nila ang mga bodyguards ko na nasa kabilang sasakyan para maghanda.
Hindi na 'ko nagulat nang mag-vibrate ang phone ko. Nakita ang pangalan ni Tres sa screen at sinagot ko ito agad.
("Handa na kami, George. Pero hindi kami pupunta agad. Pag-aaalan muna namin")
"Okay" binaba ko din agad.
Nakipag-ugnayan ako kina Tres at sa lima pa. Sinasabi ko lahat sa kanila ang mga nalalaman ko kaya napaghandaan na namin ang araw na 'to. Hindi ko pa nakakausap si Sean dahil hindi ko alam kung paano sya haharapin at bukod dun, nasa Japan ito at hindi ko alam kung kailan ang balik nya. Nasisiguro ko naman na nakarating sa kanya ang mga nangyayare dito.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...