TPG III

67.6K 1.4K 85
                                    

"GEORGE!" kilalang kilala ko ang boses na 'yon kahit nasa malayo pa ang pinaggagalingan ng boses.

"Liz-" kung makayakap naman ang babaeng 'to akala mo isang taon kaming hindi nagkita.

She's Liza Manalo. Pinsan namin ni Einstein pero hindi talaga sila nagkakasundo. Parang magkakaroon ng world war III pag magkasama sila eh.

"Apat na araw akong walang balita sayong bruha ka," hindi mo talaga mapapagkamalang anak sya ng gobernador 'pag nagsasalita.

Kunsabagay, apat na araw ko nga syang hindi nakausap manlang. Noong debut ko pa ang huling pagkikita namin. Hindi natuloy ang 3 days na pags-stay ko sana sa bahay ni Sean. Nai-tour nya ko pero may biglaan daw syang kailangang asikasuhin kaya nagpahatid nalang ako pauwi.

"Don't tell me nagtanan na kayo ni Sean?" my forehead creased. How come na kilala nya si Sean habang ako, na fiancee DAW ng Sean na 'yun ay hindi. That's not fair!

"You know him?"

"Hindi naman. Tinanong ko lang kay dad kung sino yung nakasayaw mo na nakamaskara. And I heard my parents talking about him eh. Mukhang kilala rin sya ng mga kamag-anak natin. They were talking nga about how lucky you are to have him. Bukambibig nga kayo ng mga relatives natin," I can't understand. Is it possible na pinagkasundo kami? But why? How?

Walang history sa angkan namin ang pinagkasundo. And I know my dad won't allow it lalo na kung alam nyang ayoko.

"So? Baka gusto mong magkwento?" I bite my lower lip. Should I tell her kung anong nangyare? She's also my bestfriend naman.

Hinila ko sya palayo sa mga bodyguards namin. I checked my wrist watch and we still have time to talk. Mamaya pa naman ang klase ko.

I told her everything. From where I thought we were ambushed hanggang sa ihatid nila ako kagabi. At katulad ng inaasahan ko mula kay Liza, namumula na naman ang braso ko kakapalo nya dala ng kakiligan.

"I'm so kinikilig couz! Hindi lang pala noodles ang instant ngayon. May instant hubby ka na." I rolled my eyes. Like seriously? I don't think having an instant fiancé is a good thing.

I'm just 18 years old for Pete's sake! Tapos may bigla nalang lilitaw na fiancé ko raw.

"Don't be sad couz! Ayaw mo non hindi ka na maghahanap ng jowabelles?" jowabelles? May lahing bakla ba ang pinsan ko? As far as I know matino naman ang angkan ko kaya bakit parang naligaw ang isang 'to?

"Ewan ko sayo Liza Manalo. I gotta go. 15 minutes nalang magsisimula na ang klase ko."

"Bye muah. Gogora na rin ako. Let's go bodyguards," loka-loka talaga. Kaya pinagtitinginan eh.

**********

"Wow. You never failed to amuse me, George," kahit kailan bolero talaga ang Joseph na 'to.

"Bolero ka."

"Bolero na ba ang tawag sa nagsasabi ng totoo? Common George! You're not blind to see how beautiful your masterpieces are. Lahat ng nakakakita ng mga pinapaint mo ay napapahanga. Witness ang lahat nang nakakita ng paintings mo na magaling ka talaga."

"Well I'm not a painter for nothing. Thanks anyway," dagdag na naman sa collection ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ito ang ipininta ko.

It's him. It's Sean pero ang mga mata lang nya ang pininta ko wearing the mask he wore in my debut. I thought it will fail. Hindi ko naman ganun katagal natitigan ang mga mata nya pero parang may sariling memory ang utak ko at na-saved ang mga mata nya.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon