TPG XXXI

25.5K 585 90
                                    

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman at mga naririnig ko...

May mga nag-uusap pero hindi ko gaanong marinig. Para akong nilubog sa dagat at walang marinig kundi ang kakaibang tunog ng ilalim ng dagat.

Asan ako?

"Wala akong pakialam kung paano! Basta hanapin nyo ang gumawa nito sa anak ko!"

Nakakapagtaka na biglang naging klaro sa pandinig ko ang ingay na nasa paligid ko. Maraming tao ang nagsasalita pero nangingibabaw ang galit na boses ni daddy.

Sinubukan kong gumalaw pero unti-unti kong naramdaman ang sakit ng buo kong katawan lalo na ang likod ko. Tanging ang mga daliri ko lang ang nagawa kong pagalawin.

Kailangan ko pang dahan-dahan ang pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ulit ako dahil nabigla ang mga mata ko sa liwanag pero hindi rin nagtagal ay nasanay ang mga mata ko.

Pinilit kong ikilos ang ulo ko kahit hirap na hirap ako. Dun ko nakita si dad na galit na galit habang kaharap ang ilan sa mga tauhan nya.

"George!"

Halos takbuhin ni Liza at Einstein ang pagitan namin. Humahagulgol si Liza habang si Einstein naman ay namumula ang mga mata. Pareho nila akong niyakap kaya nakaramdam ako ng matinding sakit.

Hindi ako nakapagsalita pero napaungol ako sa sakit kaya humiwalay agad sila. Nagsilapitan sakin ang mga tao sa loob ng kwarto pero hindi ko magawang magsalita.

Hindi ko maibuka ang bibig ko at sa tingin ko, kahit maibuka ko man ay walang lalabas na salita sa bibig ko.

Isa-isa ko silang tinignan kahit masyado silang madami. Hindi pa ganun kalinaw ang paningin ko pero sapat na para makilala ko sila.

"Uhm sir? Masyado pong maraming tao. Bawal po kasing maraming tao dito staka hindi po makakabuti sa kalagayan ng pasyente ang maraming tao" singit ng nurse.

Tumango naman si dad. Kinausap nya ang mga lola ko na umuwi muna. Ayon sa pagkakarinig ko, kahapon pa nandito ang mga lola ko kaya pinapauwi muna sila ni dad para magpahinga.

"Tito, mauna na rin po kami. Dadalaw nalang po kami ulit" tumango si dad kay Cedric at Joseph.

Nagsunod-sunod ang mga nagpapaalam na aalis kaya umunti ang tao sa kwarto. Umupo sa tabi ko si dad. Pinagmasdan nya ko habang hinahaplos ang ulo ko.

Kapansin-pansin ang malulusog na eyebags nito. Mapupula ang mga mata nito na halatang galing sa iyak at kulang na kulang sa tulog. Hindi na din ganun kalakas ang amoy ng pabango ni dad kaya nasisiguro ko na hindi pa umuuwi si dad para maligo.

May bigla akong naramdaman na  biglang pumatak sa pisngi ko. Dun ko nakita na nagtutuluan na ang mga luha ni dad habang pinagmamasdan ang kalagayan ko.

"I'm sorry... I'm really sorry"

Don't be dad... Wala kang kasalanan...

Hindi ko magawang sabihin kay dad 'yun dahil hindi ko pa magawang magsalita. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tignan sya at panuorin na tumulo ang mga luha nya kahit ang bigat sa dibdib.

"Wala nanaman akong nagawa"

Pinilit kong abutin ang kamay ni dad. Ilang ulit kong pinisil 'yun para kahit hindi ko man masabi ay maramdaman nya na hindi ko sya sinisisi sa mga nangyare sakin.

Dahan-dahan kong ibinuka ang bibig ko. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung kakayanin ko na bang magsalita dahil kailangan.

Kailangan nilang malaman ang nangyare...

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon