Last 5-10 chapters. Totoo na 'to haha. Enjoy!
And oh! Btw, from now on I'll use 3rd Person's POV na. Yung half nito ay PoV ni George pero ang other half ay 3rd Person's PoV na. Pati ang mga susunod na chapters
Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE this story to others. Enjoy!!!
******************************
Sumandal ako sa sandalan ng swivel chair nang matapos kong pirmahan lahat ng dapat pirmahan. Malapit ng matapos ang work hours kaya minadali ko na ang pagtapos ng trabaho ko.
Umiinom ako ng tubig nang pumasok si Gen. Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik nya at ilang beses ko din syang nakita na hinihilot ang sariling noo. May problema nanaman siguro sa pamilya nya
"George, ito na 'yung kontrata na pinagawa mo kay atty Hernandez"
"Just leave it there. Salamat"
"Uhm...George, tuloy na tuloy ka na ba talaga sa Spain?" bumuntong hininga ako.
May schedule na ang pag-alis ko. Handa na ang titirhan ko sa Spain at nagbabalak na rin ako na magbukas ng gallery don. Pwede ko pa rin tulungan si daddy sa pagpapatakbo ng negosyo kahit nandun ako.
Wala naman talaga akong balak na magtagal sa Spain. Mga apat hanggang anim na buwan lang siguro. Kailangan ko lang ng panahon para makapag-isip ako. Saka na 'ko babalik kapag sigurado na 'ko sa magiging desisyon ko.
"Oo. Sa isang araw na ang alis ko"
"Maghahanap na po ba ako ng bagong trabaho?"
"It's still your decision. If you want to stay as my secretary, you can come with me in Spain or you could stay here. May email naman kung sakaling may ipapagawa ako sayo but if you want to find a better job, go ahead. Ako ang aayos ng papers mo para makuha ka agad ng ibang kompanya"
"Salamat nalang pero gusto kong manatiling secretary mo. Babalik na 'ko sa desk ko"
"Okay"
Nang makalabas si Gen, tumayo ako para tumayo sa harap ng glass wall ng opisina ko. Papalubog na ang araw at ito ang madalas pinapanuod ko kapag madami akong iniisip. Pakiramdam ko kasi nakakatulong ang view nito para pakalmahin ang isip ko.
"Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?" Hindi ko na mabilang kung nakakailang buntong hininga na 'ko.
Mahigit isang linggo na rin ang lumipas simula nang makausap ko si Sean. Nagpapasalamat ako na hindi sya nagpapakita sa isang linggong 'yun dahil kapag nakikita ko sya, nagugulo ang sistema ko.
Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin at parang mababaliw na 'ko. Kahit pigilan ko, hindi ko pa rin maiwasan na hanap-hanapin sya. Mahal ko talaga sya.
Pero hindi ako pwedeng bumigay agad. Kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. Katulad nga ng sinabi ko, kasal ang haharapin namin at pamilya ang bubuoin namin. Kailangan namin ng matibay na pundasyon at kailangan kong ibalik ng buo ang tiwala ko sa kanya.
Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto at pumasok si Gen na dala na ang pinabibiling kong vegetable salad at ang gatas na pinatimpla ko.
"Pakilagay nalang sa lamesa. Thank you"
"May gusto ka pa bang kainin?"
"Wala na. Salamat" ngumiti sya at tumango. Aalis na sana sya nang tawagin ko sya.
"Hmm?"
"Are you okay?" Mabilis na nabura ang pilit na ngiti nya. Umiwas sya ng tingin at halatang may gustong itago
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...