TPG LIX

22.3K 467 107
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko nang dahan-dahang bumukas ang malaking gate at mas lalo akong kinabahan nang salubungin kami ng hindi mabilang na mga armadong lalakeng pare-parehong nakasuot ng itim na damit.

Ang ilan sa kanila ay familiar sakin pero karamihan ay hindi. Para silang mga lalakeng tinipon mula sa iba't-ibang bansa. Wala manlang akong makita na mukang pinoy.

Napaawang ang bibig ko nang sabay-sabay silang yumuko sakin at isa-isang tumabi para bigyan ako ng daan. Tumatayo lang sila ng tuwid kapag nalalagpasan ko.

"Where is he? Where's Sean?" Tanong ko sa isang Japanese na lumapit sakin.

"Just follow me, miss. I'll lead you the way" tumango ako at sumunod sa kanya.

Pumasok kami sa isang building na may tatlong palapag. Hindi nawawalan ng bantay sa bawat pasilyo at kapag nakikita nila ako, binababa nila ang mga armas nila at yumuyuko sakin.

Mas nakakatakot pa 'to kesa sa haunted house

Kung saan-saan kami nagliko-liko. Binagalan ko na nga ang lakad ko para mabawasan ang pagkahilo ko. Malinis naman ang paligid pero nakakahilo kasi ang laki ng unang palapag at ng ilaw na parang pinagsamang puti at dilaw.

"He's inside of this door, miss. Are you sure you really want to come inside?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Napalunok naman sya at dahan-dahang binuksan ang pinto at saka ako agad na pumasok.

Akala ko isang simpleng silid o opisina ang bubungad sakin pero  mas malaki pa sa apat na kwarto ang loob ng pinto na pinasukan ko. Muka itong stadium dahil sa nakapalibot na mga seats. Ang pinakasentro ay parang boxing ring pero may bakod na gawa sa bakal pero makikita pa rin ang nasa loob.

"What's happening?"

"Just watch, miss" pinaupo nya ko. Hindi malapit sa pinakasentro ang kinauupuan ko pero sapat lang ang layo para makita ko ng mabuti kung anong mangyayare sa mukang boxing ring na 'yun.

Anong nangyayare?

Kung tahimik kanina, mas lalong tumahimik ngayon ang mga tao na nasa loob. Mula sa isang pintuan lumabas si Sean kasama ang anim nyang tauhan na nasa likod nya.

Kung seryoso sya noon, mas seryoso sya ngayon. Ang mata nito, ang paglakad, ang buo nyang pagkatao ay sumisigaw ng kapangyarihan. Sumisimbolo sa pagkatao nya na dapat sundin at katakutan. Nanatili sa labas ng bakod ang mga tauhan nya at sya ang nag-iisang pumasok.

Kinakabahan ako

Parang sandali kong nakalimutan ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Wala pang nangyayare pero nakakaramdam na agad ako ng takot sa di malamang dahilan.

May isa nanamang bumukas na pinto. Dahil sa sinag ng ilaw na nagmula don, hindi ko agad sila nakita pero hindi nakaligtas sa akin ang masasamang tingin na pinupukol ng mga taong nandito sa kanila.

Anong ginagawa nila dito?

Si Sir Ernest, si Black at ang babae na kasama nila noon. Katulad ng dati, si sir Ernest lang ang walang takip ang muka.

Pumasok din si sir Ernest sa loob ng ring at naiwan sa labas ang mga kasama nya na tahimik na umupo.

Sana mali ang iniisip ko

"KILL HIM, BOSS!"

"YEAH! BEAT HIM TO DEATH"

"DON'T SHOW MERCY!"

Pero ang sigaw ng mga taong nandito ang komompirma sa iniisip ko. Maglalaban nga sila. Anong gagawin ko? Dapat ko ba silang pigilan?

Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na ayow kong masaktan si sir Ernest. Hindi ko man madalas sabihin pero galit na galit pa rin ako sa kanya. Kung pwede lang at kung kaya ko lang, ako mismo ang maglilibing sa kanya ng buhay.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon