Liam Boyle

21.6K 489 42
                                    

I dedicate this chapter to kazuma_akumuro (Annthea Fadrigo) You can call me ate May pa rin or anything you want. Kung saan ka komportable. Btw, thank you for supporting my story. Ang cute ng comments mo hahaha. Thanks for the efforts. This chapter is just a simple "thank you" for staying with me. Thank you so much. I hope, I really hope you like this chapter. Sige na, binibigay ko na sayo si bebe Liam.

******************************

"What the fuck?!"

Did I heard it right? Magpapakasal na si Tres like...really? Aba naman ang gago! Inunahan pa si Red at boss. Hayop, anong meron ngayon at mukhang sunod-sunod na tunog ng kampana ang maririnig ko?



"Isa pang mura, isusupalpal ko na sayo 'tong hawak kong spatula."



Isa pa 'to sa nakakagulat. Ang loko marunong nang magluto! Ayaw nya raw kasing mahirapan ang mapapangasawa nya sa pagluluto kaya ilang linggo rin syang nag-aral magluto.


Is this a sign? Maguguho na ba ang mundo? Tangina! Napapag-iwanan na ata ako ng mga gago! Ako nalang ata ang walang partner maliban kay Chris na mukhang zombie at bampirang hindi nasisikatan ni haring araw.


"Bitter lang 'yan si Liam. Hindi kasi gwapo, wala tuloy magago. Laos ka na boi. Wala ng babaeng magpapakatanga sayo," sinamaan ko ng tingin si Zham kahit hindi nya 'ko nililingon. Lintek! Busy'ng-busy kakatext sa girlfriend nya.



Nilingon ko si Red pero hindi nya rin ako pinapansin. Abala sya sa pakikipagtawagan sa asawa sya. Mga bwiset talaga! Alam ko namang ako ang pinakagwapo sa aming apat na nandito pero bakit ako lang ang single na nandito?! Bwiset kasi sina Chris at Sampson, gumawa ng sariling mundo! Naiwan tuloy ako dito.



"Staka nga pala, magkakaroon ako ng stag party mamayang gabi," saka lang nakuha ang atensyon nina Red at Zham. Binitawan muna nila ang mga cellphone nila at nakinig kay Tres.


"Mamaya agad?"

"Oo."

"Pero pre, baka magalit misis ko. Pass muna ako. Umiiwas ako sa mga babae."




"Ako rin pre. Papayagan naman ako ng Kristine ko pero pass muna ako. Allergic ako sa ibang babae."


Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Sina Red at Zham nga ba talaga 'to? Sinong anghel ang sumapi sa mga gagong 'to? Eh parang dati lang, hindi sila nababakante dahil sa dami ng mga babae nila lalo na ang hayop na Red na 'to.



"Wala akong babaeng inimbita. Ayoko ring pag-awayan namin ng mapapangasawa ko. Kaya pumunta na kayo. Hihintayin ko kayo mamaya sa condo ko."


Naiiling akong tumayo at iniwan silang tatlo. Nawalan ako ng gana na kausapin sila. Pucha! Saan ka nakakita ng stag party na walang babaeng kasama? Anong gagawin namin don, magtatagu-taguan? Hayop talaga.



Bago pa tuluyang uminit ang ulo ko, dumiretso ako sa isang restaurant para kumain ng tanghalian kahit alas dos na. Ang bagal kasing magluto kanina ni Tres.


"Bago ba ang waitress na 'yan dito? She's hot," rinig kong sabi ng lalakeng nakaupo sa table na nadaanan ko. Hindi ko nalang pinansin.



Umupo ako sa pinakamalapit na bakanteng lamesang nakita ko at nagtaas ng kamay para magtawag ng waiter. Inabala ko muna ang sarili ko sa pagtingin ng emails ko habang wala pang lumalapit na mag-aasikaso sakin.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon