Hinawakan ko ng mahigpit ang baril. Nakakaramdam na 'ko ng hilo dahil sa dami ng nainom ko pero sa tingin ko naman ay hindi ito makakaapekto kung makikipaglaban ako ngayon.
Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Hindi ko alam ang eksaktong bilang nilang lahat pero nakakasiguro ako na hindi bababa sa sampu ang bilang nila. Kaunti lang ang nasa malapit pero marami ang nagtatago malayo sa kinatatayuan ko ngayon.
Habang nag-uusap kami kanina ng mga tita ko, pinakikiramdaman ko na sila. Nakakapagtaka lang na mukang hindi nila kasama 'yung lalakeng naka-face mask kanina. At hindi ko rin maintindihan kung bakit nya 'ko binigyan ng baril para gamitin laban sa mga taong ito.
Sino ka ba talaga?
"Sumama ka nalang ng tahimik sa amin at sisiguraduhin namin na hindi ka masasaktan" wika ng lalakeng malaki ang katawan.
Wala silang suot na kahit ano para takpan ang mga muka nila. Simple ang mga suot nila at ang iba ay parang magsasaka. Masama ang tingin nilang lahat sa akin at isang katangahan kung maniniwala ako na hindi nila ako sasaktan.
"Ang lakas nyo naman ng mga loob nyo para pumunta dito? Hindi nyo ba kilala ang mga tao na narito?"
"Hindi kami pupunta dito kung hindi namin sila kilala at wala kaming dapat katakutan. Nakapasok nga kami ng hindi nyo namamalayan kaya sumama ka na sa amin"
"Magkamatayan na pero hindi nyo ko makukuha"
Mas lalong sumama ang tingin sa akin ng lalakeng nakipag-usap sa akin. Sumenyas sya sa dalawang lalake na nasa likod nya para sugurin ako.
Hinanda ko ang sarili ko. Tinutukan agad ako ng baril ng unang lalakeng sumugod pero nahawakan ko agad ang wrist nya ng mahigpit. Dumaing sya sa sakit at mas lalo ko pang hinigpitan. Sinipa ko sa muka ang isa pang sumugod na naging dahilan ng pagkapunit ng gown ko.
Hinampas ko ng baril ang lalakeng tumutok sakin ng baril. Mula sa malayo, nakita kong naglalabasan na ang iba kaya bago pa sila tuluyang makalapit ay pinaulanan ko na sila ng bala. Nagtago ako sa puno at isa-isa silang binaril.
Narinig ko ang malakas na sigawan sa loob ng venue. Nawala ang kaunting kaba sa dibdib ko dahil alam kong may mga pupunta dito para tulungan ako at hindi nga ako nagkamali.
Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko ang mga lalake sa mga kamag-anak ko na naglalabasan at may mga hawak na baril. Nakita ko rin ang paglabas ni Sean at ng mga tauhan nya. Nababasa ko sa kilos nila na ako ang hinahanap nila.
"HANAPIN NYO ANG APO KO!" malakas na sigaw ni lolo Leonardo.
Malayo ako sa kanila kaya hindi nila ako nakikita pero nakikita ko sila. Hindi ako pwedeng lumapit sa kanila dahil maaari kong ikapahamak ito. Nagkalat ang mga kalaban sa paligid na parang hindi sila nauubos kaya kailangan naming mag-ingat.
Wala akong nakikitang takot sa kanila pero kapansin-pansin na ako ang hinahanap nila. Iniisip siguro nila na nasa peligro ang buhay ko.
Hindi tumigil ang putukan. Walang sumuko o umatras sa magkabilang panig. Mababakas ang takot sa mga kalaban pero makikita din sa mga itsura nila na hindi sila takot mamatay.
Mali man isipin dahil nandito kami sa ganitong sitwasyon, nalulungkot ako sa nangyayare ngayon. Alam kong ito ang mga terorista na tinutukoy ni dad at nanghihinayang ako sa mga buhay na binubuwis nila. May mga paninindigan sila na pinaglalaban nila dahil 'yun ang akala nilang tama. Yun ang pinaniniwalaan nila na makakabuti para sa kanila pero kailangan ba talagang umabot kami sa ganito? Kailangan ba talagang kami-kami ay magpatayan dahil sa magkaibang pananaw?
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...