Walang umiimik sa aming pito habang kumakain. Nakayuko lang ako sa pagkain ko pero ramdam ko ang mga titig nila. Naninibago ako sa kinikilos nila. Bukod sa mga oras na nalalagay ang mga buhay namin sa panganib, ngayon ko lang sila nakasama ng ganito sila kaseryoso.
Simula ng umakyat si Sean sa kwarto nya, nagbago ang aura nilang pito. Seryoso sila at parang galit pero hindi ko alam kung kanino at bakit. Naisip ko na ba sa 'kin pero hindi 'yun ang nararamdaman ko.
"Sabi ni Kevin pinuntahan mo daw si boss kanina?" Tumingala ako at sinalubong ng tingin si Liam. Katulad ng iba, napakaseryoso nya din.
"O-oo. Dinalhan ko sya ng pagkain pero... kumain na daw sya" iniwasan ko ang mapayuko.
Ayokong malaman nila kung ano ang nangyayare sa amin ng boss nila. Alam ko naman na nakakahalata na sila pero sana hanggang dun nalang 'yun. Ayokong sumama ang tingin nila kay Sean o...o kaya ay pati pagkakaibigan namin ay mawala dahil mas pinili nila ang boss nila.
Hindi sa mababaw ang tingin ko sa kanila pero dahil sa mga nangyayare, hindi malabong mangyare ang mga iniisip ko. Sana lang talaga hindi kami umabot dun.
"Kumain? Si boss?"
"Kamusta pala ang luto ko?" Pag-iiba ko sa usapan.
Ayokong marinig ang susunod nyang sasabihin. Ayoko na munang dagdagan ng bato ang dibdib ko para mas lalong bumigat. Siguro naman tama na ang mga napagdaanan ko ngayon. Sobra na nga eh.
"Masarap!" Sabay-sabay na sabi nila.
"Thank you. Sige, uuwi na 'ko. Gabi na rin eh"
"Hatid ka na nam-"
"Hindi na. Ma-"
"Ihahatid ka namin"
Buti pa 'kayo
"Sige"
Bago lumabas ng mansion, hindi ko napigilang tumingin sa taas. Gusto ko syang akyatin at magpaalam, baka sakaling sabihin nya na gusto nya 'kong ihatid pero hindi ko na ginawa. Kung ang mga niluto ko nga, tinggihan nya? Pano pa kaya ang paghatid sa'kin. Staka baka natutulog na 'yun.
"Tara na, George" tumango ako at sumunod sa kanilang anim.
Katulad kanina, pinagmamasdan nila ang bawat kilos ko, pinag-aaralan ang bawat emosyon sa mukha ko at inaabangan ang susunod kong gagawin. Nararamdaman ko na gusto nilang magtanong at pinapakiramdaman muna nila ako.
Sana lang maramdaman nila na ayoko munang pag-usapan. Hindi ko ata kakayanin kung ngayon pa namin pag-uusapan ang bagay na 'to. Ngayon na na-reject nanaman ako ng napakagaling nilang boss.
"We're here" saka lang ako natauhan.
Ganun ba karami ang iniisip ko para hindi ko mamalayan na nakauwi na 'ko
"Sige, salamat"
"Wait, George" nilingon ko silang anim. Naninibago pa rin ako sa mga inaasal nila.
"Andito lang kami. 'Wag kang magdadalawang isip na kausapin kami" nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi ni Zham.
Tumango ako. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanila. Gusto kong magsalita na parang hindi. Gusto kong magkwento pero parang gusto ko din na itago nalang kung ano man ang pinagdadaanan ko.
"We are willing to take care of you if you forgot to take care of yourself because you're busy taking care of others" makahulugang sabi ni Chris.
Umiwas nalang ako ng tingin at sinara ang pinto. Dire-diretso akong pumasok sa bahay at umakyat sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...