A/N: Hindi nanaman regular ang update ko so sorryyyyyy
Ito na ata ang pinakamatagal kong update? I'm really sorry. Sobrang dami ko lang ginawa at may mga nangyare lang na hindi inaasahan. But I'm still alive and kicking. Sa lahat ng naghintay! Heto na pooooo
*****************************
Maagang nagising si George para maghanda ng agahan. Mahigit tatlong linggo na syang namamalagi sa mansion ni Sean at ito ang lagi nyang ginagawa tuwing umaga. Sya ang naghahanda ng almusal at ng damit ni Sean, ganun na rin sa anim na tauhan nito.
Ilang linggo na ang nakakalipas, sinubukan nyang umalis habang nasa trabaho si Sean at ang mga tauhan nito pero hindi sya hinayaan ng iba pa nitong tauhan. Pinapayagan naman syang umalis ni Sean pero lagi syang may kasama na tauhan nito at lagi nitong sinisiguro na makakauwi agad sya sa mansion.
Sa totoo lang, wala na syang reklamo sa pagtira sa bahay ng binata. Hindi na rin pumapasok sa isip nya ang umalis at desidido na syang makipag-ayos sa binata pero ang problema, malamig ang trato sa kanya ni Sean. Hindi sya nito kinakausap kahit magtanong sya at inuutos nito sa tauhan kung may gustong ipasabi sa kanya ang binata.
At sa totoo lang, parang mababaliw na sya sa nangyayare. Alam nyang may kasalanan sya pero ganun ba talaga kahirap na intindihin sya? Hindi nya maiwasan na mapaisip kung talagang mali ba sya o napapagod lang ito na intindihin sya.
"Good morning!" Katulad ng laging nangyayare, ngumiti sya kahit taliwas ito sa gusto nyang ipakita
Hindi nya pwedeng ipakita na nasasaktan sya dahil pakiramdam nya, wala syang karapatang masaktan. Pakiramdam nya sa kanya isisisi kapag naging malungkot sya at sya ang may kasalanan kung bakit nasa ganito syang sitwasyon.
"Wow! Ang daming pagkain" sinimulan nyang pagsilbihan ang anim na tauhan ni Sean. Ilang minuto ang lumipas, nakita nya ang binata papalapit sa mesa.
"Sean, wait" lumapit agad sya dito para ayusin ang necktie nito katulad ng nangyayare tuwing umaga.
Hindi ito tumutol o tumanggi pero hindi sya nito inimikan. Kahit tignan sya ay hindi nito ginawa. Nanatili lang itong malamig na nakatingin kung saan at nilagpasan agad sya matapos nyang asikasuhin ang necktie nito. Bumagsak ang balikat nya pero pinilit nya ang sariling ngumiti. Iniisip nya lang na hindi pa huli ang lahat.
Muli syang lumapit sa binata at inasikaso ito. Katulad ng dati, malamig pa rin ang pakikitungo nito. Hindi nya alam kung bakit ayaw syang paalisin ng binata kung pinapakita naman nito ang pagkadisgusto sa presensya nya.
Pagkatapos nyang asikasuhin si Sean at ang mga tauhan nito, pumunta sya sa banyo. Katulad ng nangyayare tuwing umaga, doon nya nilabas ang totoo nyang nararamdaman. Halos dumugo na ang labi nya para lang mapigilan ang ingay na maaaring lumabas sa labi nya. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha sya hanggang sa makaramdam sya ng pananakit nito kaya tumayo sya at naghilamos. Hindi sya pwedeng sumuko. Hindi nya pwedeng sukuan ang binata.
Nang masiguro nyang tapos nang kumain ang mga ito, lumabas sya sa banyo para asikasuhin ang mga plato nila.
"George, kami na dyan"
"Kaya ko na Red. Sabi ni nanay Celia maganda rin na may ginagawa ako kahit papano" hindi ito sumagot pero pinanood nila ang bawat kilos ko pero nabitawan nya ang isang baso nang makaramdam sya ng pagkirot ng tiyan.
Hinawakan nya agad ang kanyang tiyan na parang ito ang papawi ng sakit pero walang nagbago.
"Ayos ka lang ba George?"
"O--ouch!" Hindi nya na nasagot si Zham.
"Don't touch my wife! Fvck! Are you okay? Anong problema? Saan masakit?" Parang may kuryenteng dumaloy sa kanya nang maglapat ang balat nila ni Sean. Ilang linggo na nga ba sya nitong iniiwasan?
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...