"Talaga bang balak mong sunugin ang atay mo?" Naiinis na tanong sa'kin ni Joseph, kapatid ni boss.
Hindi ko talaga matandaan kung kailan at paano kami naging close ng isang 'to. Siguro simula no'ng niligtas niya ang tatay at anak ni George? Hindi ko talaga maalala. Basta nakita ko na lang ang sarili kong kasama siya.
"May pera naman akong pampagamot," biro ko na totoo naman.
Hindi man kami kasing yaman ni boss pero may maipagmamalaki naman kaming mga negosyo. Kaming anim. Sa galing at talino ni boss, natuto kami. Siya rin naman kasi ang nagturo sa amin ng mga bagay na alam namin ngayon.
Kung tutuusin, pwede na naming iwan si boss at 'yun din ang gusto niya. Gusto niya kaming magkaroon ng panibagong buhay at hindi lang tauhan nya pero hindi namin siya magawang iwan.
Sobrang laki ng utang na loob namin kay boss at kulang na kulang ang mga buhay namin para bayaran 'yun. Aminin ko man o hindi, isang kapatid na rin ang turing ko kay boss pero ngayon na hindi na siya mag-iisa dahil sa pamilya niya, baka pwede na kaming dumistansya.
"Tss. Bakit hindi mo nalang gastusin sa asawa't anak mo?"
Sila nga ang dahilan kung bakit ako umiinom. Tangina. Masyado akong napanatag na hindi ako iiwan ni Liza dahil mahal na mahal niya 'ko pero sumuobra ang pagiging gago ko. Tangina ko talaga.
Saka lang ako nagising kung kailan huli na. Kung kailan wala na siya sa'kin. Tanginang buhay to oh! Nakamove on nga ako kay George, panibagong heartbreak naman ang sumalubong. Ang galing talaga.
"Oy. Pumunta raw tayo sa mansion. Susukatan tayo para sa kasal nina George at Sean," tumango ako at basta na lang tinapon ang baso kung saan.
Dahil nakainom ako, si Joseph ang nagmaneho ng kotse ko kahit sinabi ko namang kaya ko. Takot na takot mamatay ang loko. Akala mo naman may lovelife tss.
Nakarating agad kami sa mansion nina boss. Sinalubong kami ng ibang tauhan ni boss at tinuro ko nasaan sina sila.
Kami na lang pala ang hinihintay. Andun na 'yung limang gago na tuwang-tuwa habang sinusukatan. Andun na rin ang ilang kaibigan at importanteng tao sa buhay ni George para sukatan.
"Daddy!!"
Nag-squat ako at sinalubong ng yakap ang anak kong si Violet. Kinakabahan ako na baka maamoy niya ang alak sa bibig ko kaya pagkatapos ko siyang halikan sa noo ay nilayo ko agad ang bibig ko sa mukha niya.
"Daddy, malapit na po ang birthday ko. Pasyal po ulit tayo ni mommy sa ibang bansa," mapait akong ngumiti.
Lagi kasi kaming lumalabas ng bansa tuwing birthday ng anak ko pero ngayon mukhang malabo ng mangyari 'yun. Ilang beses ko nang sinubukang makipagbalikan kay Liza pero mukhang nadala na siya sa kagaguhan ko kaya ayaw niya na 'kong balikan.
"Titignan muna ni daddy ha?"
"Okay po."
Umupo ako at sinadya kong tumabi kay Liza. Nakakalong sa'kin ang anak namin kaya hindi niya magawang umalis para umiwas sa'kin. Halatang naiilang siya dahil sa pagtatabi namin.
Ipinatong ko ang braso ko sa sofa at pasimpleng umakbay kay Liza habang abala siya sa pakikipag-usap sa secretary ni Joseph.
"Red! Ano bang ginagawa mo?" Naiinis na sabi sa'kin ni Liza nang mapansin niya ang braso ko.
"Umaakbay? May masama ba dito?"
"Ano sa tingin mo?"
"Sa tingin ko, wala. Mag-asawa maman tayo ah," inirapan niya 'ko at padabog na umalis. Pikon talaga hahaha.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...