Zham Edward Ortiz

15.4K 382 19
                                    

This chapter is dedicated to jbqtin. Thank you for supporting this story of mine and thank you for supporting me kahit ang bagal kong mag-update minsan. Sorry dahil hindi ko maibibigay ang hinihingi mong hiwalay na story ng mga tauhan ni Sean. Hope you enjoy this chapter of yours with your bebe, Zham Edward Ortiz or Zham. Tulad ng request mo, hindi kita binigay kay Chris.

****************************

"Tangina naman Zham! Ano ba talagang ginagawa natin dito? Kung binibisita nalang natin si Chris tapos kunwaring makiramay tayo sa sawi niyang puso, eh 'di sana may libreng alak at pulutan tayo."

Hindi ko talaga maalala kung bakit sinama ko pa ang gagong 'to rito. Pwede ko namang ilaglag si Sampson kanina pero bakit hindi ko ginawa? Kaysa naman nag-iingay siya dito. Puta talaga oh! Baka masira ang diskarte ko dahil sa lintek na 'to.

"Wag kang maingay! Magsisimula na siyang tumugtog."

At katulad ng sinabi ko, nagsimula na nga silang magpatugtog. Katulad ng ilang gabing pamamalagi ko sa bar na 'to, nakatitig lang ako sa magandang drummer ng banda.

Tangina, sino bang mag-aakalang mahuhulog ako sa isang drummer? Nawala nga ang nararamdaman ko kay George, bigla naman akong tinamaan sa isang 'to at sagad na sagad pa. Konti nalang talaga at babakuran ko 'to bago pa 'ko maagawan.

"Sino ba 'yang tinititigan mo? Aba, maganda ah."

"Kristine Joy daw ang pangalan."

"Langya! Babaeng-babae ang pangalan pero drummer?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Subukan mong magmura ulit bago mo banggitin ang pangalan niya, babarilin ko talaga ang alaga mo," itinikom niya bigla ang bibig at hindi na umimik.

Good. Ayokong nadidikitan ng mura o kahit anong masamang salita ang pangalan ng Kristine ko. Sinasadya man o hindi.

Wala na ulit kaming imikan ni Sampson. Mabuti naman dahil naririndi na 'ko sa bibig niya. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na hindi namin kasama si Chris dahil siguradong maririndi ako sa ingay nilang dalawa.

Speaking of the devil, kailan naman kaya lalabas 'yun ng bahay niya? Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil dumaan din ako ron at nagpapasalamat ako na tapos na 'ko sa gano'ng sitwasyon. Pero si Chris, kailangan niya nang pakawalan ang nararamdaman niya kay George katulad ng ginawa naming lima. Walang mangyayari sa kaniya kung hindi niya tutulungan ang sarili niya.


"This is our last song for tonight. Enjoy!" Wika ng vocalist nila.

Nagsimula na ulit silang tumugtog habang titig na titig ang vocalist sa Kristine ko.

Aba! Ang gagong 'to! Mukhang pinagnanasaan pa ang Kristine ko! Anak ng! Titig pa at sisiguraduhin ko talagang mawawala ka sa trabaho mo!

Hindi ko na namalayan na nanggigigil na 'ko kung hindi ko narinig ang medyo pagkasira ng baso na hawak ko. Tinanggal ko ang tingin ko sa vocalist at binalik ko ulit kay Kristine. Nag-angat siya ng tingin at eksaktong dumapo ang paningin niya sa'kin.

Tangina! Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Peste talaga, ano ako, babae? Sa tuwing mapapatingin siya sa'kin nagwawala ang puso ko. Letche! Nababakla na ata ako

Kumunot ang noo niya na parang nagtataka at naiinis dahil nandito na naman ako. Siguradong naiinis na naman siya sa presensya ko dahil iniisip niya na isa niya 'kong stalker--pero hindi ah! Para lang sa mga panget 'yun. At sa gwapo kong 'to mauuwi lang sa pagiging stalker? Admirer ako, dude. Ad-mi-rer.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon