Mas lalo nya 'kong isinandal sa kotse nya para mahalikan ng ayos. Gusto ko syang itulak dahil nandito pa rin ang inis ko pero ayaw makisama ng katawan ko. Parang pati ang isip ko ay nakikisama sa ginagawa nya sakin.
Mas lumalim ang halik nya. Hindi ko na namalayan na nakapulupot na pala sa batok nya ang braso ko at sumasagot na 'ko sa mga halik nya. Bawat paggalaw ng labi nya ay sinusundan ng labi ko. Mas lalo nyang idiniin ang katawan nya sa katawan ko at heto nanaman ang kakaibang pakiramdam na umuusbong sa loob ko.
Shit! Nasa parking lot kami!
Alam kong makakaramdam ako ng pagkabitin pero ako na ang nagkusang humiwalay kahit hinabol nya pa ang labi ko.
"What?" May bahid ng pagkainis ang boses nya. Gusto ko tuloy matawa. Nabitin ang loko.
"We're in public place" sabi ko saka binuksan ko ang pinto ng kotse nya at walang imik na pumasok dito.
Umikot naman sya agad at pumasok sa kotse. Muling kumunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi sya kumikilos para magmaneho. Kapit nya ang manibela pero nakatitig lang sya sa harapan.
"Hey, I thought you'll take me home?" Nilingon nya 'ko pero tinignan nya 'ko ng masama.
"Anong ginawa ko?"
"Now you're asking me that. Sinungitan mo 'ko ng sinungitan tapos binitin mo 'ko! Damn George"
Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang matawa dahil sa reaksyon nya. Kahit naiinis sya, hindi ko pa rin magawang mag-alala. Ang masungit na si Sean ay nabitin hahahaha.
"Kiss me" nawala ang ngiti ko sa labi at natulala sa kanya.
Ano daw?
"Ha?"
"I said kiss me"
"Ha?"
"How many time-"
"Bakit?"
"Binitin mo ko" nanatiling nakaawang ang bibig ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala na inuutusan nya 'kong halikan sya. Ilang beses na nga ba'ng nagdikit ang mga labi namin pero wala kahit isa dun ang ako ang nagsimula....or not? Ah basta! Wala akong maalala na ako ang naunang humalik sa kanya dahil lang sa gusto ko.
"Wife, I'm waiting"
"Eh kasi..." nahihiya akong lumapit sa kanya at mabilis na hinalikan sya sa labi.
Agad na kumunot ang noo nya na pinagtaka ko. Hinalikan ko na sya diba? Ano pa ba ang kulang? Iniwas ko ang tingin ko dala ng hiya.
"What was that?"
"Sabi mo halikan kita diba tapos ikaw ngayon ang magrereklamo"
"No. That's not what I meant but... aish! let me show you what a real kiss is"
"Ha-" bigla nya 'kong isinandal at katulad kanina, kinorner nya ulit ako gamit ang mga braso nya.
Hindi nya ininda ang sikip. Nakangisi nyang inilapit ang muka nya sa muka ko. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga pero nawala din agad 'yun sa isip ko nang mas ilapit nya pa ang muka nya.
Tumitig sya sa labi ko kaya ilang beses akong napalunok dala ng matinding kaba. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako nakakaramdam ng excitement pero lamang pa rin ang kaba. Pakiramdam ko kasi ay may gagawin nanaman syang kakaiba na mag-iiwan nanaman ng marka sa pakiramdam ko.
Dahan-dahan nyang inilapat ang labi nya sa labi ko. Nagsimula ito sa marahan hanggang sa unti-unting lumalim ang halik nya. Sa bawat galaw ng halik nya, nararamdaman ko ang matinding pananabik na hindi ko alam kung saan nagmumula pero kahanga-hanga na hindi nawawala ang pakiramdam na nirerespeto nya pa rin ako.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...