This chapter is for you, SweetJea28 (Jea Tejario). Thank you for sharing your thoughts, voting every chapter of this story and for inspiring me to write. Yes, you're inspiring me sweetie. Your comments are so overwhelming. You and other readers are the reasons why I'm still here, writing despite of so many hindrances. To be honest, I was planning to stop writing. I'm not emotionally stable and I don't know how to start again. So thank you for everything. Hope you enjoy this chapter 💚💚
****************************
"Ano ba! Sinabi ng iwan mo na ako eh!"
Pucha talaga 'tong si Chris! Kapag talaga nagkaroon ako ng oras, hahanapin ko ang mga magulang nito para lang alamin kung saan sya nagmana ng katigasan ng ulo.
Sya na nga 'tong tinutulungan, sya pa ang galit.
"Bud, hindi mo naman kasi pwedeng ikulong ang sarili mo dito sa bahay mo. Bro, ikakasal na sila. Wala ka ng laban kaya suko na bud"
"Ano bang tingin mo sa ginagawa ko? Tangina, lubayan mo na nga ako!"
Nawala ang ngiti ko sa labi. Ako nalang ang nandito pero pinagtatabuyan nya pa 'ko.
"Wag mo sanang hintayin na mawala kaming lahat sayo" sinipa ko ang sofa bago ako tuluyang umalis sa bahay nya.
Nakakainis! Ano bang nangyare sa Chris na nakilala namin? Ang laki ng pinagbago nya.
Ang hindi ko maintindihan ay alam naman na naming anim na si George at boss talaga hanggang sa huli pero bakit lugmok na lugmok pa rin ang kaibigan naming ito? Sa haba ng panahon, hindi manlang ba nya natutunang bumangon?
Napailing nalang ako at pumasok sa sarili kong sasakyan para umuwi. Maghapon nanaman pala ako kay Chris pero wala nanaman akong naitulong. Ano pa ba ang magagawa ko? Lintek talagang pag-ibig 'yan!
Habang nasa daan, nag-iisip ako ng mga posibleng makakatulong kay Chris pero wala talaga akong maisip hanggang sa makakita ako ng isang anino sa gilid ng tulay.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para itigil ang sasakyan ko. Siguro dahil malakas ang pakiramdam ko na may hindi magandang gagawin ang babaeng ito? Ewan. Basta kinakabahan ako.
At tama nga ako dahil biglang tumalon ang babae pagkatapos ng ilang minuto nyang pagkatulala sa ilog sa baba.
Tumakbo agad ako para lumapit at hindi na 'ko nagdalawang-isip. Tumalon agad ako kung saan sya tumalon. Alam kong kabaliwan 'tong ginagawa ko pero mas nangingibabaw sakin ang kagustuhan kong makatulong.
Nahanap ko agad ang katawan nyang walang malay. Dinala ko agad sya sa tabi ng ilog. Ilang segundo syang nagising pero agad ding nawalan ng malay kaya agad kong binuhat ang katawan nya at dinala sa bahay.
Pinalitan ko sya ng damit at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko nakita ang katawan nya. Nakaramdam ako ng kakaiba pero napigilan ko ang sarili ko. Malaki ang respeto ko sa mga babae at ako mismo ang gugulpi sa sarili ko kapag gumawa ako ng hindi maganda sa magandang anghel na 'to.
Pagkatapos kong maligo at magpalit, bumalik ako sa guest room para tignan nya. Sa di malamang dahilan, napatitig ako sa mukha nya.
Maganda sya, walang duda. Para syang anghel na natutulog pero bakit nya sinubukang magpakamatay?
Tinignan ko kanina ang katawan nya para tumingin ng mga bakas pero mukang ito ang unang beses na sinubukan nyang saktan ang sarili nya.
Kumabog bigla ang dibdib ko pero bakit? Kinakabahan ba 'ko? Nagagalit? Natatakot? Tangina, hindi ko talaga alam!
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...