Last 10-15 chapters!
************************
Hindi ko alam kung ilang oras na ba kami sa posisyon namin ni dad basta ang alam ko lang, ayokong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya. Ilang araw na simula nang mailigtas namin sya at kahit saglit ay hindi ko sya tinatantanan.
Sa pagkain, gusto ko laging kaming magkasabay. Sa pagtulog gusto kong katabi ko sya at kahit saan sya pumunta sumasama ako. Tuwing maliligo na nga lang ata ang oras nya para makapag-isa.
Pakiramdam ko ilang taon kaming hindi nagkita at kahit sinigurado na nila sakin na hinding hindi na malalagay sa panganib ang buhay ng daddy ko, hindi pa rin ako mapanatag. Natuto na 'ko sa nangyare kaya ayoko ng magsayang ng oras.
"Sweetie, mag-iisang oras mo na 'kong yakap. Alam kong gwapo ang ama mo pero naghihintay sa atin ang mga kamag-anak natin"
Sumimangot ako. May party kasi kami para i-celebrate ang pagkakaligtas kay daddy at may special announcement daw ito. Ang kamag-anak namin at ang mga taong malalapit sa amin ang tanging imbitado.
Gusto kong manatili nalang kami dito pero para kay dad ang party na 'to at hindi sakin. Maraming pumunta para makita si dad at kamustahin.
"Sige po. Susunod nalang ako"
"Okay. Sumunod ka kaagad ha?"
"Yes dad" hinalikan ako ni dad sa noo bago tuluyang umalis.
Humarap ako sa salamin. Inayos ko ulit ang buhok at make-up ko na hindi naman gaanong nagulo. Pagkabukas ko ng pinto, si Sean agad ang sumalubong sakin.
"Hey, gorgeous" napangiti ako sa pambobola nya.
"Kanina ka pa ba?" Pinulupot ko ang braso ko sa leeg nya at dinampian sya ng halik sa labi.
"That's so sweet and yes, kanina pa 'ko"
"Sorry, pinaghintay kita"
"It's okay. Let's go? Maraming naghahanap sayo sa baba" tumango ako. Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayang bumaba ng hagdan.
Andun na halos lahat ng imbitado. Ang pamilya nya, kaibigan nya at ng daddy nya at ibang kasama nito sa politika. Medyo nakakailang dahil napatingin silang lahat sa amin ni Sean nang bumaba kami.
"Apo" nakangiting sinalubong ko si lolo, kasama nya si lola Rowena. Nagkaayos na kami at kinausap na rin nya si Sean para humingi ng tawad sa mga nagawa nito.
"Good evening lo, la" humalik ako sa mga pisngi nila.
"Ano ba itong mahalagang sasabihin ng iyong ama? Kokompirmahin na ba nya ang pagtakbo nya bilang presidente?" Sumikip ang dibdib ko.
Alam ko na may plano si dad na tumakbo bilang presidente at nasisiguro ko ang pagkapanalo nya pero kung ako ang tatanungin, ayoko sanang payagan si dad. Nasaksihan ko na kung gaano kadumi ang pulitika kahit mabuti pa ang taong nakaupo sa pwesto.
"To be honest lo, I don't have any idea about his announcement po"
"Ganun ba? Oh sya, maiwan muna namin kayo. May kakausapin lang kami ng lola mo"
"Sige po" matamlay na sagot ko.
Ngayon ko lang naisip na baka nga 'yun ang mahalagang sasabihin ni daddy. Malapit ng matapos ang termino nya at ilang buwan mula ngayon, magsisimula na ang pangangampanya ng mga pulitiko.
Natatakot ako para sa kaligtasan nya. Hindi ko na kakayanin na malagay ulit sa peligro ang buhay ni dad.
"Hey, wife"
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...