"Now, explain"
"Anong ipapaliwanag ko?"
"Ano nga ba dapat ang ipaliwanag mo?" Nagsisimula na 'kong mainis.
Hindi naman ako ganito kabilis mainis noon. Dahil nanaman siguro sa pagbubuntis 'to. Kung hindi ako buntis baka sa halip na pumasok sa ring, tumakbo at umiyak nalang ako.
Napapailing nalang ako sa tuwing naiisip ko kung gaano ako kahina at kabait noon. Tss
"What? Aren't you gonna say anything? Okay then" tinalikuran ko sya at handa ng buksan ang pinto nang magsalita sya.
"I'm sorry!" Nagmamadaling sabi nya.
"Explain or else...this would be the last time na makikita mo 'ko" I mean it
Buntis man o hindi, gagawin ko 'yun. I had enough--no, I had too much. Kung sa point of view ng iba ay sobra na ang ugali ko, wala akong pakialam. Hindi sila ang nasa kalagayan ko at mas lalong hindi sila ang nakaranas ng mga naranasan ko. I can say I'm strong. Kung hindi, baka nabaliw na 'ko sa lahat ng napagdaanan ko.
"I'm sorry for everything, George. Yes. Sean and I are siblings at matagal ko ng alam 'yun. I just pretended that I didn't know and I pretended like we're not. He was young when his parents died. Alam ko ang lahat ng 'yun dahil kami ang dahilan ng mommy ko. His father cheated and because of so much anger, her mother cheated too. Kaya nagpatayan sila. Years later, nalaman ng organisasyon nila ang totoong dahilan ng nangyare kaya pinahanap nila si mommy. I was just a kid when armed people entered our house and they want us die"
Humarap ako sa kanya. Pinipigilan kong makaramdam ng awa pero hindi ko napigilan lalo na nang nakita kong may tumulong luha mula sa mga mata nya. Galit pa rin ako. Who wouldn't be? Kung alam ko lang na isa lang sa mga kaibigan ko ang may alam ng mga ito.
"Pinatalon ako ni mommy mula sa bintana. Even though I was wounded, pinilit ko pa rin ang sarili ko na makatakas. Yes, I succeeded but I suffered. I have nowhere to go, I have nothing and I was wounded. I have no choice... tumira ako sa lansangan. Nagpalaboy-laboy ako, nanlimos at humingi ng awa hanggang sa nalaman ni Sean na may kapatid sya kaya sya mismo ang pumunta ng Pilipinas at hinanap ako. Kinuha nya ko. Binihisan, tinuring na kapamilya at tinuruan ng maraming bagay. Naging idolo ko sya dahil sa murang edad, ang dami nya ng alam. Hinangaan at tiningala ko sya pero dumating ang araw na nagkaroon ako ng isip. Naiintindihan ko ang lahat na kung hindi dahil sa kanila, baka kasama ko pa si mommy. Nagpabalik-balik si Sean sa Pilipinas para bantayan ka hanggang sa dito na sya sa Pilipinas tumira kaya sumama ako para alamin ang nangyare sa mommy ko. Nalaman ko na hindi sya namatay kaya hinanap ko sya. Nahanap ko pero may kinakasama na syang iba pero kinuha nya pa rin ako. Naging malupit sa akin ang stepfather. Araw-araw nya 'kong sinasaktan at madalas nya 'kong ginugutom at sa lahat ng 'yun, si Sean, ang mga magulang nya at ang organisasyon nya ang sinisisi ko"
Ito pala ang pinagdaanan mo
Gustong-gusto ko syang yakapin at aluin. Gusto kong punasan ang mga luha nya. Gusto kong sabihin na kalimutan nya na 'yun at andito lang ako pero pinili ko pa rin ang tumahimik at makinig sa mga sinasabi nya
"Nang mamatay ang stepfather ko dahil sa aksidente, masama man pero naging masaya ako. Naging normal ang buhay ko at nagpatuloy ako sa pag-aaral na parang isang normal na estudyante lang pero hindi pa rin nabubura sa isip ko ang paghihiganti. Hanggang sa nakilala kita. Inaamin ko, nuong una lumalayo ako sayo. Gusto kong ilayo ang sarili ko sa lahat ng tao at lalong-lalo na sayo dahil may pakiramdam ako na hindi ka magdudulot ng maganda sa sistema ko pero hindi pa rin kita nagawang iwasan. Naging malapit pa rin ako sayo at dahil sayo, kinalimutan ko ang paghihiganti. Minahal kita agad, George. Lumalalim ng lumalim hanggang sa hindi ko na alam kung paano bumangon mula sa nararamdaman ko sayo pero pumasok sa eksena si kuya at tulad noon, nakuha nya nanaman ang gusto nya. Nakuha ka nya. Galit na galit ako. Ikaw at si mommy nalang ang meron ako pero inangkin ka na rin nya pero wala din akong nagawa. Pero hindi lang pala ikaw ang mawawala sakin, pati si mommy. Hindi ko alam na buhay na buhay pa rin pala ang sama ng loob nya sa organisasyon at pamilya ni Sean at hindi 'yun nakatulong sa sakit nya. Sa halip na gumaling, lalong lumubha ang sakit nya na ikinamatay nya. Oo, nagsinungaling ako. Noong nagkita tayo pagkatapos ng reunion nyo, 'yun ang gabi na binawian ng buhay si mommy. Inalama ko ang tungkol sa organisasyon ni Sean at duon nabuo ang katuhan ni Black. Dumating si Dave o mas kilala natin na si sir Ernest. Gutom na gutom sya sa kapangyarihan at pera kaya nakipagtulungan sya sakin. Noong una, walang laman ang utak ko kundi ang maghiganti pero nang mas lalo kong makilala ang organisasyon ni Sean, wala ng laman ang utak ko bukod sa protektahan ka hanggang sa umabot tayo dito"
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...