UMAASA

999 15 1
                                    


Aking bagong alkansya,
Itago mo ang sampu piso kong barya,
Baka kasi hindi ko mapigilan magasta,
Umaasa pa ko sa event n'ya ay makakapunta.

Kaya sa akin, sana ika'y makisama,
Para sa Agosto ako'y makasama,
Isasali ko pa yan sa barya kong tig-lima,
Alam kong mabigat na kayo pag pinagsama sama.

Ipapapalit ko pa kayo sa bangko,
Ang pangarap na makita s'ya ay 'di pa ko sumusuko,
Kaya naman ikaw ay aking pakakatago,
Bago ang isip ko ay tuluyang magbago.

Dalawampu't anim ng Agosto,
Si Maxinejiji  ay nandito,
Doon ko tatanggalin ang  iyong kandado,
Sana sumuporta ka sa akin ng todo.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon