Deib feel be like
Sabi n'ya sumama ko sa kanya,
Si lolo raw ay kakausapin n'ya,
Noong una ay nagtataka ako,
Pero sa huli sumunod na ko.May ipinakita s'yang mga litrato,
May pulang sumbrero raw ang mga ito,
Ito raw ang mga sumapak sa amin,
Na tingin n'ya nag-aaral sa school namin.Pagka uwi ko bakit s'ya naiisip ko?
Hanggang sa may naaalala ako,
Yung note na sinasabi n'ya sa akin,
Mabuti ay nahanap ko pa ito sa study room namin.Sinabi ko sa kanya nung makita ko s'ya,
Kaso iyong papel ay ipinatatapon na n'ya,
Wala kong nagawa kundi s'ya'y hayaan,
Sabi ko ang nakasulat doon ay aking naunawaan.Nakita ko isang freshman ay kinausap n'ya,
Kaya naman agad na tinanong ko s'ya,
Sabi ko huwag s'yang gagawa ng anumang gulo,
Sasamahan ko s'ya dalhin mga iyon kay lolo.Nasa may canteen pa kami ng mga kaibigan ko,
Nang marinig ko na nasa freshman may gulo,
Napaka tigas talaga ng ulo n'ya kahit kelan,
Nagmadali kaming nagpunta kasama aking mga kaibigan.Nakaangat ang isang bata habang kinakausap n'ya,
Kaya naman sumigaw na ko at napatingin s'ya,
Nasa sahig na si Choco nang makita namin,
Si Taguro ang sumapak dito kuwento nila sa amin.Lahat kami ay nagpunta sa opisina ni Lolo,
Nagkakaila ang freshman pati na rin si Choco,
Si Taguro ay muling napagsabihan,
Katwiran n'ya ay hindi raw kasi sila madala sa pakiusapan.Hanggang sa may pumasok si Mac,
Sinabi n'ya mga kaklase n'ya ang unang sumapak,
Ayaw daw sumama kay Taguro at dumating si Choco,
At doon na nagsimula ang kanilang gulo.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...