Pareho n'yang ina,
Ang isa ay pinili lumayo muna,
Samantala ang isa sa kanya ay dumidisiplina.Ang isa nagdala sa kanya sa sinapupunan,
Ang isa tinanggap ang masakit na katotohanan,
Ang pangungulila n'ya ninais na mapunan.Ang isa ang unang minahal,
Ang isa natugunan din ang pagmamahal,
Kalaunan ang isa ay natapos sa kasal.Si Heurt tunay na ina n'ya,
Si Maze na tinanggap s'ya,
Dalawang ina na nagmamahal sa kanya.Dalawang babae na nasaktan,
Mga puso nila minsan mang naging sugatan,
Pagkakaibigan ay hindi nila kinalimutan.Pagmamahal muli silang pinagbuklod,
Iisang anghel minamahal nila ng lugod,
Ang gabayan ito kailanman ay hindi sila mapapagod.Pagtanggap ang s'yang kasagutan,
Ang lungkot ay tuluyang napalitan,
Kasiyahan na ngayon ang kanilang nakakamtan.Inang nagmamahal ng pareho,
Pagmamalasakit sa kanila ay hindi maglalaho,
Masaktan na't lahat 'wag ka lang dahil mundo nila'y guguho.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...