Habang nagbabasa ay nag-iiba ang ekspresyon ng aking mukha,
Hindi ko mapigilan ang tumawa at lalo na ang maluha,
Ang aking emosyon ay nananatili pa ring halo-halo,
Istoryang ito sa isip at puso ay wala pa ring makakatalo.Istoryang pinamagatan n'yang "He's into Her",
Kakaiba tawagan ng mga bida galing sa "Ghost Fighter",
Taguro at Sensui bansag sa isa't isa ng mga mismong bida,
Istoryang nasa bawat kabanata ay mas lalong gumaganda.Hanggang ngayon kapag aking binabasa ay dalang-dala,
Hanggang ngayon kahit may ginagawa ay aking naaalala,
Marami kasing aral dito na maituturing na inspirasyon,
Na talagang nababagay sa makabagong henerasyon.May taglay ang istorya na ito na hindi ka mananawa,
Na kapag nag-iisa ako sa aking isipan kusang nananariwa,
"He's into Her" na isinulat ng nag-iisang Maxine Lat,
Ito ang pinakaminahal kong istorya na kanyang isinulat.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoezieDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...