HIH Scene

23 1 0
                                    

Dinadama ang malamig na simoy ng hangin,
Habang naglalakad ako sa buhangin,
Maraming tanong na nais sana tanungin.

Ako ay isang anak na lihim na nangungulila,
Inaalam ko saan nga ba ko tunay na nagmula,
Alam ko at ramdam ko na itinatago nila.

Bata pa lamang gusto ko may matawag na "eomma",
Maraming katanungan bakit hindi ko s'ya kasama?
Tinatanong ang sarili may nagawa ba kong masama.

Hanggang sa ngayon, ako'y patuloy na nangangarap,
Na s'ya'y aking makausap at tuluyang makaharap,
Maraming sagot na hinahanap at nais s'yang mayakap.

Hindi ko sukat akalain, s'ya ngayon ang kasama ko,
Narito s'ya sa tabi ko, at tahimik na pinapakinggan ako,
Lalaking kauna-unahang tumatawag sa akin ng "Taguro".

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon