HIH C23

17 0 0
                                    

Deib feel be like

Hanggang ngayon laman ng isip ko ay s'ya,
Lalong lalo na iyong ginawa n'ya,
Kanina biglang niyakap n'ya ko,
Ginawa n'ya raw para tumahimik na ako.

Hindi ako makatulog dahil sa ginawa n'ya,
Bakit kasi laman ng isip ko ay laging s'ya?
Ano ba kasi ang ginagawa n'ya sa akin,
Kulang na lang pati sarili ko ay aking sapakin.

Nagtaka ko bakit naman oras na ay nagpunta pa s'ya rito,
Pagbaba ko ay nakasimangot dahil nilalamok na raw ito,
Notes n'ya dati, sa akin ay ipinahihiram daw n'ya,
Inaantok na raw at kaya aalis na raw s'ya.

Nagtaka naman ako pati chocolates, ako ay binigyan n'ya rin,
Kumain daw ako ng matamis habang nagrereview ay makakatulong rin,
Naninibago na ko sa pakikitungo n'ya,
Si Manang ay tinutukso ko sa kanya.

Lunes na may pasok na nang lumapit si Ysay sa akin,
Sabi n'ya ay goodluck sa test namin,
Hindi nagustuhan ni Tob mga sinabi n'ya,
Kitang-kita ko na seryoso na talaga s'ya.

Nalungkot ako sa aking mga nalaman,
Hindi na n'ya ko tinulungan,
Si Kim nagsinungaling pa sa akin,
Ako ay naguguluhan na rin.

Matapos ang exam namin,
Nagpunta kami sa canteen,
Mayroon na naman nag-aaway,
Sina Taguro at Ysay.

Sinubukan ko sila'y awatin,
Si Ysay ay takot na takot na rin,
Ano nangyayari sa kanya?
Bakit ba galit na galit s'ya?

Sa hitsura ni Ysay ako ay naaawa,
Pag-awat lang sa kanila tangi kong magagawa,
Dumating si Kim at nagawa s'yang sampalin,
Natigilan ako, pati pagyakap sa akin ay alam n'ya rin.

Kinilabutan ako sa galit ni Taguro,
Nagawa n'yang sanggain ang baso,
Walang paki kahit na s'ya'y magkasugat,
Halos matigilan kaming lahat.

Kay Kim malakas ang pagkakatulak n'ya,
Nawalan ng malay kaya ako nagalit sa kanya,
Lahat ng masasakit na salita nasabi ko,
Akala ko ayos na kami nagkamali pala ako.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon