LOVEPEIN

26 0 0
                                    

Dalawang taong pinagtagpo ng pagkakataon,
Isa't isa ang kanilang babae at lalaking bersyon,
Parehong kung minsan ay walang mga emosyon,
Pero pareho ng may tinatawag na inspirasyon.

Lalaking bibihira rin kung magsalita,
May babaeng matagal nang sinisinta,
Lalaking nasasaktan kapag s'ya'y nakikita,
Unang minahal na babae ay si Eerah Anitha.

Hanggang sa s'ya'y kanyang nakilala,
Dahil muli s'yang pumasok ng eskuwela,
Isang babae na tahimik na katulad n'ya,
Dito ay kusang nahiwagaan na s'ya.

Babaeng na may pagkamisteryosa,
Na mapapahanga pala s'ya ng kusa,
Babaeng may maamong mukha,
Babae na minsang n'yang nakapareha.

Muntik nang malimutan ang sariling misyon,
Nagbabago na bigla ang nararamdaman n'ya para doon,
Nahuhulog na s'ya sa kaklase n'yang iyon,
Maxpein Zin ang pangalan ng babaeng 'yon.

Dahil sa nangyari pareho silang nasaktan,
Misyon n'ya ay muntik nang makalimutan,
Mapalapit  sa kanya ay hindi n'ya pinagsisisihan,
Tadhana yata n'ya na ito ay magustuhan.

Masaya na nagawang maamin,
Tunay na nilalaman ng kanyang damdamin,
Patuloy na lang n'ya itong mamahalin,
Puso n'ya patuloy titibok para sa isang Maxpein.

Lovemir minamahal ang isang Maxpein,
Puso n'ya ay buong inialay na rin,
Sa lalaking dito ay nagmamahal din,
Kaya ang puso nila iisa lang ang mamahalin.

Pinagtagpo silang saglit,
May mga poot man o galit,
Buhay man n'ya ang pamalit,
Gagabayan na lang n'ya ito mula sa langit.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon