Ginawa nga ng cheotjae ang sinabi n'ya,
Umaakyat ako ng bundok na kasama s'ya,
Inaaral ko pa rin ang pag-asinta sa tigpo,
Kahit ako ay kulang pa sa tulog at hapong-hapo.Mas mahigpit s'ya sa pangunahing rango,
Ang pagiging istrikto n'ya ay hindi maitatago,
Sa aking sarili ay hindi ko maiwasan maawa,
Hanggang akin nang nakasanayan ang aking ginagawa.Natagpuan ko ang aking sarili na nagkukusa,
Na nagsasanay na lang kahit na mag-isa,
Hinahanap hanap na ito ng aking katawan,
Hanggang matuto ko pana hindi ko na binitawan.Isang araw si Direktor Mokz ako'y pinuntahan,
Sa harap n'ya tigpo aking inasintahan,
Nilahad n'ya sa akin na kung gaano kaabala,
Ang cheotjae na aking pinakamamahal na lola.Nakikita raw nito ang aking potensyal,
Sa narinig ko, hindi ko maiwasan maging emosyonal,
Sa aking sariling kakayahan s'ya'y nagtitiwala,
May potensyal ako sa mata ng aking lola.Nakatingin ako sa cheotjae habang kumakain s'ya,
Hanggang maramdaman n'ya ako'y nakatingin sa kanya,
Tinawag ako ni Maxrill sa akin ay nagpapasuyo,
Binigyan ko s'ya nang itlog na nakarolyo.Sa ginawa ng Presidente hindi na lang ako nagsalita,
Tinanggal n'ya sa plato ni Maxrill ang itlog aking nakita,
Naghatid ako ng tsaa sa cheotjae bago ko mag-ensayo,
Sa akin may pinakuha s'yang isang libro.Hanggang may isang dumating at nag-usap sila,
Hindi ko pa maunawaan kung ano pinag uusapan nila,
Nakita ko ni eesa kaya roon agad n'ya kong inilayo,
Hinatid n'ya ko sa lugar kung saan ako nag-eensayo.Hinintay ko s'yang lumayo at pumuslit ako,
Nasasabik na kong makita ang kaibigan ko,
Hanggang sa nagkita na kami ni Laiemma,
Anong saya ang aking nadarama.Ipinakita ko sa kanya ang aking bagong natutunan,
Ipinakita n'ya sa akin ang kanyang bagong nalaman,
May kung anong inggit akong nadarama sa kanya,
Ang pinakamataas na rango ay pangarap daw n'ya.May mga lalaki akong nakita nang pauwi na ko,
Ipinagtataka ko umalis sila nang makita nila ako,
Kinagabihan habang kami ay nasa hapagkainan,
Sinabi ko sa pamilya ko ay aking kagustuhan.Gusto ko na maging isang pinakamataas na rango,
Gusto ko sumama sa pag-eensayo ng mga lalaking rango,
Nakita ko ang pagkagulat at saya ng aking pamilya,
Lumapit sa akin ang cheotjae, ako'y hinalikan sa noo at niyakap n'ya.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...