AKING TAGURO

27 0 0
                                    

Deib feel be like

Hindi kagandahan ang ating simula,
Binully kita at nakisali na rin sila,
Naging matunog pangalan mo sa ating eskuwela.

Nagkatinginan lang noon ang ating mga mata,
Hindi ko gusto tingin mo kaya pinatid kita,
Naiinis ako sa tuwing tayo ay nagkikita.

Aminado na bumibilib ako sa iyong talino,
Naiinis ako hindi ka makausap ng matino,
Pati sa mga lalaki ay handa kang makipagbuno.

Pati ang mga lecturers ay naiinis sa 'yo,
Magpakabastos raw kayo,
Kakaiba ang samahan ninyo.

Kalaunan nagsisisi sa aking nagawa,
Sa 'yo ay labis akong naawa,
Sa nangyari hindi ko kayang matawa.

Dahil sa aking kalokohan,
Ay naghatid ng mga kaguluhan,
Nahihiwagaan ako sa iyong katauhan.

Damdamin ko para sa 'yo ay nagbago,
Hanggang sa aking nararamdaman ay hirap na kong maitago,
Ilang beses din akong nasaktan at nabigo.

Ang isip ko nakakaya mong mapatuliro,
Sa akin ay mara-rami kang naituro,
Hanggang sa minahal na kita aking Taguro.


DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon