Iba pa rin ang pakiramdam,
Kahit ang mangyayari ay iyo nang alam,
Kahit ilang beses mo pa basahin,
Ang epekto talagang iba pa rin.Sa mga nangyari kay Maxpein ika'y maaawa,
Sa pagsasalita ng mag-isa ni Deib ika'y matatawa,
Iyong pinagdaanan nila ay hindi basta biro,
Iyong mga linyahan ay may itinituro.Iyong tipo dapat alam mo kung kelan dapat nang huminto,
'Di maiwasan na magkamali, pero ang mahalaga tayo ay natuto,
May mga bagay na hindi na maibabalik at napapalitan,
Magkaganon pa man ay humaharap tayo kahit nasasaktan.Nasaktan, nabigo, nadapa pero natutong bumangon,
Dahil bawat sugat ay humihilom pagdating ng panahon,
Ayos lang magpakita ng kahinaan at humingi ng tulong,
Dahil ang buhay nga natin ang ikot n'ya ay parang gulong.Huwag kang susuko kung alam mong dapat pa ba,
Hindi maiiwasan na makaramdam ng pangamba,
Nariyan ang iyong pamilya at kaibigan na maaring takbuhan,
Kapag ika'y naguguluhan maari mo silang asahan.Pahalagahan ang mga bagay maliit man o malaki,
Mag-aral ng mabuti upang mayroon tayo maipagmalaki,
Iyan ang mga natutuhan ko sa kuwento nina Deib at Maxpein,
Huwag takasan at ang pagsubok ay iyong harapin.Huwag magpadalos-dalos at magpadala sa bugso ng damdamin,
Bawat sitwasyon sa paligid ay iyong alamin,
Lahat naman tayo ay hindi perpekto,
Nagkakamali at patuloy na natututo.He's into Her ay hindi nakakasawang basahin,
Bawat eksena at linya nararapat mong intindihin,
Iba pa rin sa ang dating sa 'kin ng istoryang ito,
Ganon na ganon pa rin ang epekto.Iba ang epekto nina Sensui at Taguro,
At ako ay hindi nagbibiro,
Saludo ako mismo sa nagsulat,
Kay Maxinejiji, ako ay nagpapasalamat.Ang epekto ni Maxinejiji sa akin,
Ay masasabi kong iba rin,
Sana marami pa s'yang maisulat,
Sa kanya, maraming maraming salamat.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...