Deib feel be likeMuli ay napagalitan na naman ako
Hindi kasi mawala wala sa isipan ko,
Ang aking panaginip para kasing totoo,
At masaklap kasama pa roon si Taguro.Tama ba ang aking nakikita,
Hindi ba ko namamalikmata,
Sa panaginip ko, ganoon ang suot n'ya,
Bakit ba kasi nasa panaginip ko s'ya?Nagklaklase kami nang dumating sina Michiko,
Pati si Migz at BJ ay kasama nito,
Gumagawa na naman ng gulo si Choco,
At ang kaaway n'ya ay si Taguro.Maraming nakiusyoso na naroroon,
Mga mata ko ay sa kanya nakatuon,
Sa aming gawi ay hindi s'ya napapalingon,
Kita ko sa kanya, ang tindi sakit non.May sumigaw lahat kami ay napatingin,
Mga tao naroon ay mabilis nagsitabi rin,
Si Maxwell galit na galit ang paningin,
Si Choco nagawa n'yang sapakin.Nagawa n'ya rin isandal sa pader at ito'y iangat,
Natigilan na kaming lahat,
Nang si Miss Agaser dumating at umawat,
Nasa harap ko na sila kaya bahagya kong nagulat.Mga babae s'ya ang bukambibig,
Naiirita ko sa aking mga naririnig,
Bakit ba kay Maxwell sila'y kinikilig,
Iba rin itong si Taguro sa kanya hindi nakikinig.Sa hospital ayaw n'ya magpadala,
Ganyan ba talaga kung mag-usap sila,
Si Maxwell nakakaawa naman pala,
Si Taguro girlfriend n'ya, teka ano ba paki ko sa kanila.Ano naman kung s'ya'y guwapo?
Ako rin naman kanilang na titipo,
Guwapo at matalino rin naman ako,
Teka, bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko?
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...