Naih feel be like
Agad kong tinanong s'ya,
Makikimusta ko sa kanya,
Kung maganda ba ang nilipatan namin,
Pero pagod s'ya nang ako'y sagutin.Maaga akong gumising kinabukasan,
Para libutin ang bago namin pinapasukan,
Hanggang makausap ko ang isang Englisero,
Ganito ba talaga ang mga estudyante rito.Iniwanan ko na nga s'ya doon,
Wala akong gana kausapin ang isang 'yon,
Panay ang English kung magsalita,
"Stop Me!"baka ako ay magumpisang mairita.Kung mamalasin ka nga naman,
Nakita ko pa s'ya sa may hagdanan,
Alam ko na kung bakit si Max ay nagkaganon,
Kakaiba ang ugali ng mga estudyanteng 'yon.Nahuli nang pasok si Max sa first class,
Pero ako nagpakita na agad ng gilas,
Pabulong na nga narinig pa ko,
Grabe naman ang lecturer na 'to.Pumunta kami sa canteen,
Lahat kami ay napatingin,
Isang lalaki ang napahiga sa sahig,
Bakit daw si Max umilag, 'yon ang aking narinig.Kung tutuusin dapat magpasalamat s'ya,
Dahil iyon lang ang napala n'ya,
Itong si Max walang nakuwento sa 'kin,
Iyong lalaking na 'yon nagawa n'ya pa lang sapakin.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...