Deib feel be like
Umiiwas ako sa kanya,
Pero hinahanap-hanap ko s'ya,
Ilang beses kinukumbinsi ang sarili ko,
Na hindi ko s'ya gusto.Gusto ko nang makita s'ya,
May nararamdaman na ko sa kanya,
Sabi ko ay s'ya'y aking iiwasan,
Pero mas lalo lumalim itong aking nararamdaman.Nandito na ang mga kaibigan n'ya,
Nasaan naman kaya s'ya,
Ito ang unang araw ng intrams namin,
Nasasabik na ko na s'ya'y makita na rin.Nagsimula na ang programa,
Sa dance troupe s'ya'y kasama,
Sa wakas s'ya'y nakita ko,
Sa kanta ng sinasayaw nila ay sumasabay ako.Habang sumasayaw ay nakangiti s'ya,
Sa pagsayaw ay napakagaling n'ya,
Binibiro ako ng teammates ko,
Sabi nila alagad ni Britney daw ako.Sa SIS lahat kami ay nagpunta,
Hinahanap pa rin s'ya ng aking mata,
Mas una silang maglalaro sa amin,
Naiinis ako kaya umalis ako sa puwesto namin.Nawalan ako ng gana manood sa kanya,
Pero natigilan ako nang marinig ko ang pangalan n'ya,
Bumalik ako humanap ng mauupuan ko,
May tumabi sa akin habang nanonood ako.Parang nakita ko na s'ya noon,
Hindi ko alam kung saan nga ba 'yon,
Pinapanood daw n'ya ang anak n'ya,
Hanggang sa ako ay nagkuwento na sa kanya.Naikuwento kung bakit nandoon si Taguro,
Dahil sa kanya sa billiard ay nanonood ako,
Gusto n'ya ay More lang ang itawag ko sa kanya,
Pati pagtingin ni Taguro sa akin ay napansin n'ya.Sa laban si Taguro ang nanalo,
Habang naglalakad nakatingin sa akin ito,
Tanong ko bakit n'ya ako nilalapitan?
Hindi raw ako ang kanyang nilapitan.Daddy daw n'ya ang nilapitan n'ya,
Bakit ko raw kinakausap ko s'ya,
Sa kanila nagpalit-palit ako ng tingin,
Nakakahiya bakit ba hindi ko agad napansin?
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoesieDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...