DAHIL SA 'YO

20 2 0
                                    

Deib feel be like

Binibigyan man ako ng dahilan para sumuko,
Hanggang ngayon ay nandito pa ko,
Kahit pa na sobra ng sakit?
Nanatili pa ko, alam mo kung bakit?

Alam mo ba kung bakit Taguro?
Kasi ikaw ang s'yang nagturo,
Na hindi lahat ng gusto ko ay mahal ko,
Dahil sa 'yo ay nagbago ako.

Kahit sobrang nakakapagod na ang maghintay,
Kahit nasa selos, tila ako'y unti unting pinapatay,
Alam ko naman mahal mo ko, pero 'di ako ang iyong kailangan,
Matagal ko nang nasagot sa isip ko ang maraming katanungan.

Naglalaro sa isipan ko kung babalik ka pa ba?
Kapag wala ka sa paningin ko, abot abot ang aking kaba,
Natatakot ako na ang damdamin mo sa akin ay nag-iba,
At baka habang magkalayo tayo ay nakahanap ka na ng iba.

Hangga't maari ayoko sanang sumuko,
Gusto ko magkaroon ng ikaw at ako,
Ipinaglalaban ko ang nadarama natin sa isa't isa,
Na hindi natin pinilit dahil ito ay sadyang nagkusa.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon