Maxpein feel be like
Sa may library ay hinintay namin s'ya,
Dumating s'ya kasama ang mga kaibigan n'ya,
Tinanong nila saan kami gagawa ng presentation namin,
Sabi ni Sensui sa bahay na lang nila gawin.Ihahahatid muna raw n'ya ang kanyang prinsesa,
Tumango ako, si Lee hindi ako iniwan mag-isa,
Niyaya n'ya ko sa coffee shop kumain,
Nag-usap kami habang si Sensui ay hinihintay namin.Pagbalik namin nandoon na si Sensui naghihintay sa akin,
Ang sama n'ya ring makatingin sa amin,
Ano problema n'ya at sinusungitan n'ya ko?
Sumakay na raw ako, sabi ko dala ko ang motor ko.Hindi na s'ya nakaimik at sumakay sa kanyang sasakyan,
At s'ya naman ay aking agad na sinundan,
Namangha ako sa bahay nila ng makarating kami,
Nagtaka ko at niyakap ako ng kanyang mommy.Schoolmate ang pakilala n'ya sa akin,
Nagtataka ako sa paraan ng tingin n'ya sa amin,
Ang mommy ni Sensui ay masarap magluto,
Ang dami naman nilang pagkain dito.Umakyat kami at sa study room pumasok,
Ang dami dami rin nilang books,
Pumunta s'ya sa kanyang kuwarto,
Kaya naman naiwan ako mag-isa rito.Agad din s'yang bumalik dito,
Kailangan na naming umpisahan ito,
Tungkol sa bullying ang presentation namin,
Sabi ko sa kanya pati sa libro s'ya'y maghanap din.Mabilis naman s'yang nayamot,
Kaya ang libro ay aking inabot,
Tinuro ko sa kanya kung paano maghanap,
Pati kasi libro ay kanyang kinakausap.Tinawag kami para maghapunan,
Mabait pala s'ya kapag bata ang nasa harapan,
Itong mga bata ay matanong din,
Nalaman ko mas matanda pa pala s'ya sa akin.Akala nila ako ang nililigawan n'ya, pero hindi,
Grabe ring mag-usisa itong bata matindi,
May promise pala s'ya sa kanila,
Pero talagang nagkakamali sila.Sabi ko sa kanya ay basahin,
Huwag n'yang kabisahin,
Nagpatuloy s'ya sa pagsusulat at pagbabasa,
Sabi ko maalala naman n'ya iyon ng kusa.Kumatok ang mommy n'ya may dala,
Ang daming pagkain dito sa kanila,
Nag-usap pa kami tungkol sa ginagawa namin,
Sabi ko ipagpatuloy lang n'yang basahinNatapos na rin ang aming ginagawa,
Nakatulog na pala s'ya, ano kanyang nagawa?
Nag-iwan ako ng note at hindi ko na s'ya ginising,
Nagpaalam na ko sa mommy n'ya, sa bahay namin gabi na kong dumating.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoezjaDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...