Deib feel be like
Nang imulat ko ang mga mata ko,
Unang tanong ko ay nasaan ako?
Hanggang ang nangyari ay aking naalala,
Aking paningin sa kuwarto ay aking ginala.Si noona at Kim ang nandito,
Mga kaibigan ko ay wala pa rito,
Bakas sa mga mata nila ang pag-aalala,
Mga kaibigan ko ay hinahanap ko sa kanila.Dalawang araw na raw akong natutulog,
Hindi ko kilala sino ang mga nangbugbog,
Sa akin, ang pagdating n'ya ang naalala ko,
Pakiramdam ko noon ay ligtas na ako.Hanggang sa dumating na rin mga kaibigan ko,
Silang dalawa ay binibiro na ako,
Kaguwapuhan ko raw ay nabawasan,
Sabi ni Lee magustuhan pa kaya ko ng kanyang pinsan.Marami rami rin sa akin bumisita,
Pero iisang tao lang gusto kong makita,
Wala ba talaga s'yang pakialam sa akin,
Kumusta na ko ay hindi ba n'ya aalamin.Hanggang sa tatlo na kaming nag-uusap dito,
Si Tob ang bida s'yempre sa pagkukuwento,
Mga huling sinabi ni Taguro ay aking natatandaan,
Pagkukuwento ni Tob ay aming pinakinggan.Nandito ako sa ospital ng dalawang araw,
At hindi man lang n'ya ko dinalaw,
Hindi man lang n'ya ko inalala,
Tutal ano nga ba ko sa kanila?Pumasok na ko kinabukasan,
Nagshade ako para ilang sugat ko ay matakpan,
Sa unang subject namin pinalabas ako,
Sa canteen si noona ay sinamahan ko.Hanggang sa canteen ay pumasok sila,
Ang uniform namin ay bagay sa kanila,
Hanggang si Parrot ako ay napansin,
Kaya sa akin sila ay napatingin.Itong si Taguro ay nakatulog na yata sa upuan,
Parang pumayat s'ya kung titingnan,
Tila pagod na pagod naman s'ya,
Iyon pala sobrang dami ng ginagawa n'ya.Narinig ko lang sa pagpapaliwanag ni Naih,
Nadagdagan ang trabaho dahil player nga rin s'ya,
Kaya siguro sa hospital ay hindi nila ako nadalaw,
Masyado silang maraming ginawa noong nakaraang araw.Nakatingala ako at umiinom nang magulat ako,
Kaya ang bote ng gatas ay nabitawan ko,
Teka, bakit ba kasi nandito s'ya?
Mga bububog ay winalis pa n'ya.Ano raw gangster si Taguro,
Tama ba ang mga naririnig ko?
Mga nag-uusisa ay aking tiningnan,
Natakot sila kaya sila ay nag-alisan.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...