HIH Season 1 C1

124 0 0
                                    

Deib feel be like

Unang araw ng pasukan,
Kaibigan ko, ako'y tinawagan,
Yakiro Tobi ang kanyang pangalan,
Pagpasok mga kababaihan,
Muli na naman ako tinilian.

Sarado pa ang aming silid aralan,
Ang key holder huli na naman,
Kaya heto kami nasa pilahan,
Bigla na lamang bumuhos ang ulan,
At ang sahig ay naang-gihan.

Hanggang mga newbie nag-akyatan,
Napangiti ako dahil may bagong pagtritripan,
Hanggang sa isang babae napahinto sa aking harapan,
S'ya ay may katangkaran at medyo may katabaan,
Hanggang sa kami ay nagkatinginan.

Hindi ko gusto paraan ng kanyang tingin,
Walang pagdadalawang isip nang s'ya'y aking patirin,
Lahat ng mga naroon ay nanonood sa amin,
Hanggang sa ako'y nakuwelyuhan n'ya at nagawang sapakin,
Walang sinuman ang nakakagawa noon sa akin.

Tinawag pa n'ya ang mukha ko na siopao,
Walang sinuman nagkamaling kalabanin ako,
Naiinis ako at tinawag ko s'yang Taguro,
Hindi ako papayag na basta na lang matalo,
Sa kanya, dugo ko'y kumukulo.

Nang makita ko s'ya sa canteen, ako'y napangiti,
Hindi maaaring sa kanya hindi ako makaganti,
Bumili s'ya ng meryenda n'ya ito'y spaghetti,
Binayaran ko ito, at sa kanya mabilis na gumanti,
Tumilapon sa kanya ito, kaya ako'y ngiting-ngiti.

Paalis na sana kami aba matindi binato n'ya ko ng spaghetti
Naramdaman ko ito sa batok ko kaya ako nanggagalaiti,

Ang lakas ng loob n'yang gumanti,
Itong Tagurong na 'to nakakainis nakuha pang ngumisi,
Kinalaban n'ya ko, titiyakin kong s'ya'y magsisisi.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon