DAHILAN

27 0 0
                                    

S'ya ang pinakagusto kong manunulat,
Dahilan kung bakit patuloy akong nagtitipa at sumusulat,
Kilala ko s'ya bilang Maxinejiji at Maxine Lat.

Mula nang mabasa ko ang mga istorya n'ya,
Ako ay humanga na ng labis sa kanya,
Idagdag pa na nagpapakatotoo s'ya.

Dahil sa kanya mga salita ay aking naitakas,
Sa aking isipan na hindi ko magawang mabigkas,
S'ya at kanyang istorya ay pinagkukuhanan ko ng lakas.

Hindi ko alam paano ko ba 'to sisimulan,
Masasabi ko na marami akong dahilan,
Kung bakit pagsuporta sa kanya handa ko kahit kelan.

Aminado ako na hindi ako kasing husay nila,
Ang aking mga salita ay wala kumpara sa kanila,
Hindi ako ganap na isang makata, pero isang Maxinejiji ang sa 'kin nagpapasigla.

Hindi ako marunong gumamit ng sesura,
Maging ang sinasabi nilang metapora,
Sa sarili ko natapos na ko sa pagkukumpara.

Ang pagsulat ng tula ay aking libangan,
Papel at panulat ang aking binabalingan,
At masasabi ko labis ako nitong natutulungan.

Muntik na kong mawalan ng gana,
Noong una hindi tanggap ang masakit na mga puna,
Pero nang dahil sa kanya ay natanggap ko na.

Malaki ang naging epekto sa akin ng mga istorya,
Na kanyang isinulat at ibinahagi n'ya,
Kaya labis labis akong nagpapasalamat sa kanya.

Noon tula ko man nakukulangan ng emosyon,
Subalit simula nang s'ya'y aking naging inspirasyon,
Ay tinatanggap ko na lahat ng masasakit na opinyon.

Bumalik ako sa paraan na alam ko, ako'y masaya,
Hindi na ko takot makabasa ng anumang kutya,
Patuloy akong susulat hangga't aking kaya.

Noong pumapasok pa ko sa eskuwela,
Doon itinuro ang paglikha ng tula,
Kauna-unahang kong gawa, tula ng anak na nangungulila.

Taong dalawang libo at labing dalawa,
Sinubukan kong muling gumawa,
Hanggang ngayon lumilikha nang may tuwa.

Lalo na kapag naalala ko ang kanyang mga akda,
Akda na para sa akin ay makahulugan at maganda,
Sa puso at isip ko istorya n'ya ay akin ring ibinibida.

Sa pagsulat sana huwag s'yang hihinto,
Matapos man, magbubukas s'ya ng bagong yugto,
Dahil makakaasa s'ya na ako ay mananatiling naririto.

Karamihan sa mga tulang nakasulat sa loob nito,
Ay alay ko sa 'yo at sa mga istorya mong aking paborito,
Maraming salamat Maxinejiji, isa ka sa dahilan ko kaya nasulat ko ang mga ito.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon