Mayroong parangal sa literatura,
Binoboto ko s'ya, hindi dahil ako'y kanyang Jijiera,
Para sa akin ay nararapat ang parangal sa kanya,
Dahil sa natatanging isinulat n'yang istorya.Ako ay labis na nagpapasalamat,
Dahil ang "He's into Her" ay kanyang isinulat,
Istorya na sa maraming gustong ipamulat,
Kaya saludo at hanga ako sa sumulat.Ang istoryang ito ay maraming nilalaman,
Marami ka pang matutuklasan at malalaman,
Ilan sa mga ito ay aking natutunan,
At ngayon ay aking sisimulan.Una, hindi maiwasan sa ating paligid may nangungutya,
Na may sadyang mga tao na magaling mamahiya,
Lumaban ka sa paraan na alam mong tama,
Sa mga tao sa iyong paligid matuto kang makisama.Pangalawa, may mga tao na sadyang wala lang talaga magawa,
Imbes na tumulong ay namamahiya pa ng kapwa,
Huwag kang palugmok at ipakita na mali sila,
Iparamdam na hindi mabuti ang ginagawa nila.Pangatlo, mamumulat ka rin sa kahalagahan ng ating edukasyon,
Hindi maitatanggi na marami sa henerasyon ngayon,
Ang mabilis madala sa kanilang emosyon,
At nakakaligtaan ang magiging resulta ng mga iyon.Apat, ang maniwala sa sarili mong kakayahan,
Lahat iyong makakamit basta iyong pagbutihan,
Ang bawat pagsisikap mo ay may pupuntahan,
At ito ay maghahatid sa 'yo ng kakaibang kasiyahan.Lima, pagkakaroon ng mga kaibigang totoo,
Na tatanggapin ka ng buong buo,
Hindi nila huhusgahan ang iyong pagkatao,
Na bihira ka na lang makatagpo ng ganoong tao.Anim, ang pagsalamin sa isang pamilya,
Na hindi palaging perpekto at masaya,
Kahit na ganoon ay nanaig ang respeto sa bawat isa,
Walang sinuman ang kayang mabuhay na nag-iisa.At panghuling aking natutunan ay pagtanggap sa sarili,
Na aminin at tanggapin ang sariling pagkakamali,
Na mahalaga sa ating buhay ang bawat sandali,
Bumawi ka sa iyong minamahal hangga't hindi pa huli.Sa istoryang ito, ako ay labis na nahulog,
Ginising nito ang kamalayan kong natutulog,
Na sinulat ng manunulat na may pagkahambog,
Na kamahal mahal naman kaya maraming nahuhulog.Istoryang ito ay aking binoto,
Hindi dahil ito ay aking paborito,
Bagkus dahil dito mas lalo kong natuto,
Kaya Maxinejiji, maraming salamat sa paglikha nito.Para sa akin nararapat sa 'yo ang parangal,
Itong istorya mo ay maraming nakapaloob na aral,
Maraming eksena rito na nangangaral,
Ramdam ko sa mundo ng literatura ika'y magtatagal.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...