Nagulat ako ng purihin n'ya ko,
Naguguluhan ako sa inaasta ng pangunahing rango,
Dahil na rin sa sobrang kapaguran nakatulog ako,
Nang imulat ko ang aking mga mata s'ya'y nandito.Nakahain na raw ang aming hapunan,
Mga kasamahan ko, muli akong pinagtripan,
Aking hapunan ay sabaw daw na walang laman,
Namayani ang tinig ni Bitgaram kaya sila natigilan.Manghuli ulit ng baka utos n'ya sa aking kasamahan,
Ibang naroon ay nagsimula nang magbulungan,
Laging nandito si Bitgaram para ako'y tulungan,
Natitirang karneng baka ay aming pinaghatian.Nananabik na nagsilusong sa tubig ang aking mga kasamahan,
Hinila ako ni Bitgaram sa may hindi kalayuan at binantayan,
Muntik ko nang malimutan mga kasama ko puro kalalakihan,
Huwag daw ako aahon hanggat wala s'ya, kanyang kabilin bilinan.Hanggang sa dumating na ang pangunahing rango,
Mabilis itong naglakad papunta sa kinaroroonan ko,
Wala pa si Bitgaram kaya umahon na ako,
Sa paraan ng pagtingin n'ya sa akin, ako'y naninibago.Nangibabaw ang tinig ni Bitgaram kaya kami natigilan,
Kulang na lang, ako ay kanyang pagalitan,
Sa mga kinikilos n'ya, ako'y puno ng mga katanungan,
Nagpapasalamat ako tila para n'ya kong pinoprotektahan.Lumipas ang mga araw pahirap ng pahirap ang aming ensayo,
Nagkaroon ako ng bali sa buto at sugat sa katawan ko,
Dumating ang mga manggagamot mula sa emperyo,
Kasama si Maxwell at ginamot n'ya ako.Malalim ang aking pagkahimbing nang ako'y may maramdaman,
Hanggang ang pangunahing rango ang aking mamulatan,
Sa ginawa n'ya, hindi ko maiwasan ang kilabutan,
Hindi pala ako nananaginip ng mga araw na nagdaan.Natigilan ako nang ako'y kanyang balaan,
Wala akong nagawa kundi s'ya ay tanguan,
Ang nangyari ay hindi mawala sa aking isipan,
Hanggang mag-ensayo, isip ko iyon ang laman.Kailangan naming matutunan sumakay sa kabayo,
Hindi mawala ang takot ko rito,
Ilang beses akong nahulog habang nakasakay ako,
Mabuti nand'yan si Bitgaram maagap n'ya kong sinasalo.Matiyaga n'ya kong tinuturuan,
Hanggang sa pagsakay dito aking natutunan,
Hindi n'ya ko agad sinukuan,
Nariyan s'ya para ako alalayan.Nagamit ko ang aking mga nalaman,
Ang gitna ng bilao ay aking natamaan,
Narinig ko ang tinig n'ya kaya ko natigilan,
Nanginig bigla ang aking katawan.Sa aking pag-iisa, si Bitgaram ako'y tinabihan,
Sa sinabi n'ya sa akin, nagtataka ko paano n'ya nalaman,
Nagtitiwala s'ya sa aking kakayahan,
Ang tangi n'ya raw magagawa ay ako'y bantayan.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...