HIH C6

55 0 0
                                    

Deib feel be like

Nakita ko s'ya sa canteen,
Nagtaka s'ya nang s'ya'y aking batiin,
Lahat ng naroroon ay nakatingin,
Max na kasi nang s'ya'y aking tawagin.

Matapos kumain at dismissal na namin,
Pati itong si Lee hindi na rin ako pinapansin,
Hindi ko na ito kaya pang tiisin,
Kaya naglakas loob na ko na sila'y tanungin.

Sa coffee shop nag-usap kami nang masinsinan,
Ang aking ginawa Kay Taguro ay hindi nila nagustuhan,
Paano pa kaya pag nalaman pa nila aking kalokohan?
Na pati sapatos nito ay nagawa kong pagtripan.

Pinagsabihan ako ng dalawa kong kaibigan,
Aminado naman na kong nasobrahan,
Ewan ko ba, s'ya'y aking kinaiinisan,
Naiinis ako sa ekspresyon n'yang hindi maintindihan.

Umakyat ako sa kuwarto pagkauwi ko sa amin,
Pagbaba ko sa sala nandoon si Noona kumakain,
Nagpunta ko sa bookshelf at naghanap ng babasahin,
Isang pocket book ang naagaw ng aking pansin.

My Second Love Story ang pamagat nito,
Nang mabasa ko ang summary ng libro,
Hindi ko maipaliwanag bakit naisip ko si Taguro,
Natampal ko pa ang magkabilang pisngi ko.

Sabi ko kay Noona, ako ay patayin,
Lumapit naman s'ya sa akin,
Binato ko sa hagdan ang libro na dapat aking babasahin,
Bakit ang tibok ng puso ko ay bumilis din.

Kaya ginawa ko na lang TV ay aking binuksan,
Si Noona ay nagawa kong sigawan,
Sabi n'ya napanood ko na 'yan,
Kaya nagawa n'ya kong kuwentuhan.

Maiinlove daw ang bida sa babae na 'yan,
Dalawa ang babae kaya tinanong ko naman,
Doon daw s'ya sa babaeng hindi kagandahan,
Iyong isang babae raw manlalaki, isang kalokohan.

Umakyat na ko bakit ba pumasok s'ya sa aking isipan,
Nakatatlo sapak s'ya sa akin kanina bale apat na n'yan,
Makakailang sapak pa kaya sa'kin teka bakit ko naman hahayaan,
Kailangan 'di muna magtagpo landas namin, dahil nagagalit na pati aking mga kaibigan.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon