Deib feel be like
Napapansin ko ba't ang bilis ng kilos n'ya,
At sa akin ay nakakadalawa na s'ya,
Kaya naman 'di ako maaring hindi gumanti sa kanya,
Pakiramdam ko dahil sa kanya, ako'y napapahiya.Itong si Tob palaging inaasar ako,
Si Taguro ba raw iniisip ko,
Sa kanya hinding hindi ako magkakagusto,
Dahil malayong malayo s'ya sa aking tipo.Bakit naman kasi isinali pa 'yon,
Kailangan ko tuloy maagang bumangon,
Ang billiards ay kasali na raw ngayon,
Sino naman kayang babae na maglalaro ng ganon?Nagkita kami ni Kim sa canteen,
Lahat ng inis ko nagawa n'yang alisin,
Hanggang si Taguro na naman ay aming napansin,
Anong gulo na naman nagawa n'yang pasukin?Si Kim ay lumapit pa para s'ya'y tulungan,
Kamay nito nagawa lamang n'ya tingnan,
Nagtataka kami bakit nga ba s'ya ganyan,
Ugali n'ya talaga mahirap maintindihan.Pagkatapos ko ihatid si Kim, ako'y napahinto,
Si Taguro ay makakasalubong ko,
Pero nang mapatapat s'ya sa 'kin, 'di s'ya huminto,
At naglakad lamang s'ya nang dire-diretso.Ewan ko ba bakit ba naiinis ako sa kanya,
Sinigawan ko s'ya na abnormal s'ya,
Dahan-dahan ang naging pagharap n'ya,
Tumingin nang diretso at ngumisi s'ya.Kinabukasan ay bakit nandito sila,
Ano naman ang kanyang itinitingala?
At sino naman itong kasama nila,
Taguro brothers na tawag ko sa kanila.Dumating si Kim, kaya ako ay sumaya,
Pero si Taguro, ako raw si Sensui sabi n'ya,
Sa narinig ko mabilis ako nairita sa kanya,
'Di ko napansin ang bola tinamaan ako at ako'y napahiya.Hindi ako nakasagot sa tanong ng Lecturer naming dragona,
Bakit ba kasi sa subject n'ya ako'y mahina at walang gana,
Hanggang mapansin ko si Taguro rito, ano ginagawa n'ya,
Naiinis ako sa kanya, sa araw na 'to ilang beses ako napahiya.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...