Isang manunulat na aking hinahangaan,
Mga istorya n'ya ay aking inaabangan,
Inspirasyon ko s'ya sa pagsusulat,
Kilala ko s'ya bilang Maxine Lat.Maxinejiji ang tawag ng karamihan sa kanya,
Nangibang bansa para makatulong sa pamilya,
Isang nurse na tumutulong sa mga nangangailangan,
Pagsusulat isa sa kanyang mga libangan.Isang babae na may pagkahambog man,
Marami naman s'yang nalalaman,
Isang kaibigan na handang magpayo,
Hindi hadlang kahit na kayo ay malayo.Kayamanan ang turing sa kanyang mambabasa,
Mga isinusulat ay nagbibigay ng pag-asa,
Isa ako noon na muntik nang sumuko,
Pero dahil sa kanya at sa istorya n'ya nandito pa rin ako.Isa s'ya sa manunulat na kahanga-hanga,
Dahil sa mga bagay bagay marunong s'yang magpahalaga,
Kaya naman hindi ako magsasawa na s'ya'y handugan,
Ng mga tula, dahil turing ko sa kanya ay isa ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...