BIG THREE

26 0 0
                                    

Tunay ba na kaibigan ang hanap n'yo,
Sa He's into Her may makikilala kayo,
Sa pagkakaibigan nilang tatlo,
Tiyak ay walang makakatalo.

Binubuo sila ng tatlo,
Ang isa ay seryoso,
Ang isa naman ay palabiro,
Ang isa ay may pagkaloko.

Ang isa ay pasaway,
Ang isa ay maingay,
Samantalang ang isa ay taga-saway,
Huwag kayo silang tatlo bihira mag-away.

Magkakaibigan na magkahawak-kamay,
Isa't isa ang sandalan at karamay,
Sa isa't isa pawang nagbibigay,
Totoong pagkakaibigan sila ang magpapatunay.

Big Three ang tawag sa kanila,
Sikat na sikat sa kanilang eskuwela,
Magkakaibigan na magaling maglaro ng bola,
Deib, Lee at Tob ang pangalan nila.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon