DEIB LOHR ENRILE

21 0 0
                                    

Lalaking napapanguso,
Kapag pinagsasabihan ito,
Noon ay tinutukso,
Na baka raw ay bakla 'to.

Adik sa halik ng kanyang Taguro,
Humihiling pa minu-minuto,
Hinahabol daw s'ya ng mga puso,
Kapag kasama n'ya parati ito.

Lalaking madalas magsabi ng maldo andwae,
Walang iba kundi si Deib Lohr Enrile,
Pag wala si Taguro ay hindi mapakali,
Sa pagiging sweet ay hindi nagpapahuli.

Isang lalaki na minsan makulit,
Pero s'ya ay mabait,
Iba rin kung magalit,
Pero mawawala rin saglit.

Mapang-asar ngunit malambing,
Si Maxpein nais laging kapiling,
Ngayon wala na s'yang mahihiling,
Natupad na lahat ng kanyang hiling.











DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon