Patuloy akong magsusulat,
Para sa mga istorya mong isinulat at isusulat,
Maraming salamat talaga sa 'yo Binibining Maxine Lat,
Ikaw ang pinakahinahangaan kong manunulat.Lahat tayo ay nangangarap,
Lahat tayo ay may pagsubok na hinaharap,
Lahat tayo dadaan sa hirap at hindi puro sarap,
Sa kabila ng lahat ng iyon makakamit mo ang iyong pangarap.Iyan ang isa sa aking natutunan,
Sa iyong istorya marami pa kong nalaman,
'Wag natin takasan ang hamon at harapin ang katotohanan,
Ihayag, ipakita at iparamdam ang tunay mong nararamdaman.Ayos lang na madapa at minsan lumuha,
Hindi lahat ng nais ay mabilis na makukuha,
Iba ibang tao ang ating makakasalamuha,
Magtiwala ka sa sarili, kabutihan ang iyong ilikha.Ang kakulangan ko sa paghayag ng emosyon sa tula,
Ay naibsan mula nang ikaw at istorya mo ang aking naging inspirasyon, pangamba ko unti unting nawala,
Mapalad ako at ikaw ay aking nakilala,
Ang mapansin mo ay isa sa pinakamasaya kong alaala.Balang-araw, sa iyo ako rin ay makakalapit,
At isa sa yayakap sa 'yo ng mahigpit,
Salitang Maraming Salamat, sa iyong harap akin ding masasambit,
At ang pag-asang na makikita ka rin patuloy kong binibitbit.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoezjaDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...