HIH C27

11 0 0
                                    

Deib feel be like

Nandito na kami sa ospital ng mga kaibigan ko,
Sabi ko kay Tob sa binili kong unan s'ya mag-abot kay Taguro,
Hindi ko alam bakit ako nakaramdam ng hiya,
Naunang mag-abot ng unan si Lee sa kanya.

Si Tob ay sinamaan agad namin ng tingin,
Nag- peace sign naman agad sa amin,
Kulay blue ang paboritong kulay n'ya,
Mga kaibigan ko panay ang tanong sa kanya.

Ang pag-iwas n'ya sa usapan ay nahahalata ko,
Ano naman kaya itinatago nitong si Taguro?
Pilit n'yang iniiba ang aming pinag-uusapan,
Ang sagot n'ya malayo sa katanungan.

Lahat kami ay biglaang napahinto,
Nang may pumasok na sa may pinto,
May dumating mga magulang ni Naih,
Akala ng mama nito isa sa amin nobyo ng anak n'ya.

Sa may coffee shop tumambay ay aming naisipan,
Hindi lang ako ang nakapansin pati aking mga kaibigan,
Nasa mga tanong namin ay umiiwas talaga s'ya,
Ano naman kaya napag-usapan nila ng magulang ni Naih?

Iniwan na ko ng mga kaibigan ko,
Hanggang sa coffee shop pumasok si Taguro,
Sa aking kinauupuan ay napatingin s'ya,
Akala ko naman ako ay sasamahan n'ya.

Tinabihan ko naman s'ya sa labas ng coffee shop,
Kahit kelan wala s'yang kuwentang kausap,
Pumasok na lang ako ulit sa loob at iniwan s'ya,
Ako na ang nagbayad sa binili n'ya.

Nang muli akong mapatingin sa kanya,
Yumuyugyog na ang mga balikat n'ya,
Lumapit ako muli at sa kanya tumabi,
Narinig ko ang mahihina n'yang hikbi.

Tahimik ko lang s'yang sinamahan,
At ako ay bahagyang kinukwentuhan,
Wala kong dalang panyo para iabot sa kanya,
Kaya towel na lang ang ipinahiram ko para punasan ang luha n'ya.

Hinatid n'ya ko sa tapat ng aking sasakyan,
Hanggang sa makasakay hindi s'ya umalis sa kinatatayuan,
Ligtas akong makaalis doon ay kanyang siniguro,
Hanggang makalayo ako sinusulyapan ko si Taguro.


DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon