Maaga akong gumising at bumangon,
Tila hinahanap-hanap ng aking katawan iyon,
Hanggang sa may nagsalitang lalaki sa aking likuran,
Sa ayos n'ya ay halatang marangyang pamilya ang pinanggalingan.Lahat kami ay pumila ako ang nasa hulihan,
Samantalang si Bitgaram nagsasalita sa harapan,
Nagulat ako nang ako'y kanyang tawagin,
Pinalipat n'ya ko sa harap, kaya ang iba sa akin nakatingin.Hinanap ko ang pangunahing rango sa kanya,
Akala ko makakasama ko s'ya mag-ensayo, kaya ako'y nadismaya,
Muli akong nagulat nakasama n'ya pala ang kapatid ko,
Sa pag-eensayo kaya naman napahiya na naman ako.Kaya naman tinawag ko na s'yang sunbae-nim,
Mga kasamahan ko, pinagtatawanan na ko ng lihim,
Si Bitgaram pala ang magtuturo sa amin sa pag-eensayo,
Sa tindig n'ya at ayos sila ni Maxwell ay hindi nagkakalayo.Hanggang sa kailangan na raw magkaroon ng kapareha,
Sila Gil Yong at Jinsu ay nasa akin ang mga mata,
Balak pa sana nilang dalawa na maglaban,
Nagsalita si Bitgaram kaya sila ay natigilan.Sa pag-eensayo s'ya raw ang aking makakapareha,
Nagulat ako at lalo sa kanya namangha,
Si Bitgaram ay talagang napakahusay,
At s'ya ang makakapareha ko sa pagsasanay.Hindi biro ang pagsasanay na aming dinadaranas,
Parang mauubusan ako ng hininga at lakas,
Naupo ako malayo sa aking mga kasama,
Binigyan ako ng pagkain ni Bitgaram kaya tingin nila sa 'kin ay masama.Nangibabaw ang tinig ni Bitgaram at sila'y binalaan,
Mabilis silang nagsunuran dito at mag-isa akong naiwan,
Kinabukasan ay niyaya n'ya ko mag-libot doon,
Nagkuwentuhan kami, hindi namin natapos ang paglilibot do'n.Dumating na ang pangunahing rango,
Hanggang ngayon gano'n pa rin ang pakikitungo,
Kanina pa s'ya hinahanap ng aking mga mata,
Si Bitgaram bakit hindi ko na s'ya makita?Magsisimula na ang ensayo at kailangan ng kapareha,
Dumating si Bitgaram, kaya naman sumaya aking mukha,
Sila ng pangunahing rango ay bahagyang nagkasagutan,
Sabi ni Bitgaram, babae ang magiging pinakamataas na rango baka ito'y kanilang nakakalimutan.Ang pangunahing rango sa kanya ay hindi na nakipagtalo,
Si Bitgaram din ang nasunod sa bandang dulo,
Kaya naman s'ya'y aking pinasalamatan,
Sabi n'ya sa akin, basta aking paghusayan.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoetryDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...