HIH Scene S3

57 0 0
                                    

Maxpein feel be like 

Maling mali sila ng kinalabang tao,
Kantihin na nila lahat , 'wag lang ang pamilya ko,
Lalo pa ang aking pinakamamahal  na lolo,
Walang makakapigil sa akin, maghihiganti ako.

Buhay ang kanilang kinuha,
Ang kapal ng kanilang mukha,
Gulo ang kanilang inilikha,
Sisiguruhin ko sila rin ay luluha.

Hindi nila ko ganap na kilala,
Pwes,  kung sino ako ay akin nang ipapakilala,
Paulanan man nila ako ng maraming bala,
Papakita ko mali sila ng itinabla.

Wala na kong pakialam sa aming batas,
Hindi sila marunong lumaban ng patas,
Galit ko sa kanila ay unti ng dumidingas,
Makikita nila, hindi lang ako basta maangas.

Talagang lakas ng loob nila,
Tumawag  pa talaga sila,
At sa aking harapan nagpakita,
Ang tunay na ako ay kanilang makikita.

DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon