Dalawang tao na pinagtagpo ng kapalaran,
Na nagsimula sa isang simpleng tinginan,
Tinginan na hindi n'ya pala nagustuhan,
Pinatid s'ya sa harap ng karamihan.Doon nagsimula ang lahat,
Hanggang katotohanan ay unti-unting nasiwalat,
Ilang beses nagtalo at mga puso nila ay nagkasugat,
Na kusang pinaghilom ng pag-iibigan nilang tapat.S'ya ang Taguro n'ya,
S'ya naman si Sensui para sa kanya,
Pag-iibigan nila pinaghalong lungkot at saya,
Lahat makakaya n'ya basta alam n'ya ay nariyan lamang s'ya.Ilang beses man nagkasakitan,
Ilang beses man silang pinagkaitan,
Isa't isa ay hindi nila nagawang palitan,
Hanggang sa huli ay tunay na saya ay kanilang nakamtan.Si Maxpein lang ang tanging Taguro para sa kanya
S'ya ang maliwanag na buwan sa madilim na buhay n'ya,
Kapag nasa panganib walang alinlangan na darating s'ya,
Pagmamahal at pagprotekta na nagdulot sa kanya ng saya.Si Deib Lohr lang ang tanging Sensui para sa kanya,
S'ya ang itinuturing n'yang araw sa buhay n'ya,
Liwanag na taglay nito nagbibigay sa kanya ng saya,
Ito isa sa dahilan kung bakit malakas at mahina s'ya.Sila Deib Lohr at Maxpein Zin,
TagSen din kung kanilang tawagin,
Kanilang kuwento magagawa kang paibigin,
Magbabybabe na tiyak na ika'y pakikiligin.
BINABASA MO ANG
DEDICATED POEMS FOR MAXINEJIJI STORIES
PoesiaDedicated kong tula para sa mga stories ni Miss Maxine Lat. Na He's into Her, Love Without Limits at M.☺ Ang iba ay maikli lang hindi ko alam kung tula pa ba ang tawag kasi isang saknong lang. Ang mga iyon ay aking pinost sa twitter account ko.☺ Ang...